Cathlyn's Po'V
"Boss, kailangan kong mag leave." Deretsahang saad ko.
Tatlong araw ang nakakalipas nang tumawag sa akin si Jelian. The day after tommorow ay kaarawan na niya. Kailangang bukas ay maka biyahe na ako dahil malayo pa ang aming probinsya.
Nag-angat ng tingin si boss saka ako binigyan ng naguguluhang tingin.
"Leave? At para saan naman yang pag le-leave mo?"
Nanatili akong nakaupo sa swivel chair na kaharap ng table ni boss.
"Malapit na ang kaarawan ng kapatid ko. Kailangan kong umuwi para mabisita na din sila. Siguro mga dalawang araw lang."
Napatingin ako kay boss nang hindi siya sumagot. Nanatiling nakatitig lang siya sa akin kaya nagtaka ako.
"Boss?" Pukaw ko sa kanya.
Bumuntong hininga si boss. "Can I accompany you?" Tanong niya na kinabigla ko.
"Sasama ka?" Gulat kong pag-uulit.
Nagkibit-balikat si boss. "If that's okay with you? Okay lang kung hindi mo ako pasasamahin." Sumandal siya sa kanyang recliner at napahalukipkip. And I swear, nakita ko kung paano nag flex ang mga muscle niya.
Napakurap-kurap nalang ako. Kung sasama siya, baka nagtaka ang pamilya ko. Lalo na si Itay. Malaki din ang galit niya sa mga lalaki dahil sa nangyari sa akin.
Pero kung ipakikilala ko naman siya bilang boss ko, wala naman sigurong problema?
Napabuntong-hininga ako. "Wag ka lang maging pasaway boss. Malaki ang galit ng pamilya ko lalo na si Itay sa mga kabaro mo. Alam mo naman ang dahilan diba?" Seryosong saad ko.
Itinaas pa ni boss ang kaliwang kamay niya na para bang namunumpa. "I promise. I'll be a good boy."
"Okay. Bukas ng umaga ang biyahe natin."
Tumayo na ako saka tumalikod. Hindi pa man ako nakakalayo ay nagsalita siya.
"Saan kita susunduin?"
Nilingon ko si boss. "Ite-text nalang kita."
Tumango si boss. "Okay then."
Tuluyan na akong tumalikod saka lumabas sa kanyang opisina. Mula sa Japan hanggang dito, parang naging komportable na akong kasama si boss. Kung kausapin ko siya, para bang hindi ko siya amo. Pero kapag may conference meeting at may appointment siya kasama ang matataas na antas ng mga tao, pormal ang pakikitungo ko sa kanya.
Nasanay na din akong tawaging siyang boss kaysa sa pangalan niya kapag kaming dalawa lang dito sa kompanya. Pero kagaya sa Japan, tinatawag ko parin siya sa sarili niyang pangalan.
Nagsimula na akong magtrabaho upang maaga akong makauwi. May plano kasi akong mag grocery dahil papaubos na ang stock ko sa condo.
After an hour ay lunch na namin. Balak ko sanang pumunta sa canteen nang lumabas si boss galing sa kanyang opisina.
Agad akong napatayo. "Boss. Lalabas ba kayo para kumain?" Tanong ko habang inaayos ang gamit sa table ko.
Namulsa si boss sa kanyang suot na slacks. "Let's lunch together."
Awtomatikong napataas ang kilay ko. "Lunch together? Tama ba ang narinig ko?" Pagtatama ko.
Bakit naman niya ako yayaing kumain ng sabay?
Tumango si boss. "Wala namang masama diba? I already order our lunch. Sayang naman kung tatanggi ka."
Nanliit ang mata ko sa sinabi ni boss. Kung tatanggapin ko ang paanyaya niya, makakatipid ako. Makakabili pa ako ng regalo kay Jelian, Harold at lalo na kay Inay at Itay. Napangisi ako sa naisip.
BINABASA MO ANG
The CEO's Secretary [Published Under KPub PH]
Romance-My darkest memory is the reason why I hate boys. The reason why I can't love them. But then, he, is the reason why I realize something- Cathlyn Mae Celso Relavo was a simple girl. Wala sa isip niya ang mag boyfriend. Dahil para sa kanya, lahat ng m...