CHAPTER 17

2.7K 69 1
                                    

Cathlyn's Po'V

"Tapos kana ba?" Tanong sa akin ni boss.

Nag-iimpake kasi ako ng gamit para sa bakasyon namin. Inayos ko muna ang maliit lang naman na maleta saka ito sinarado. Humarap ako kay boss saka nag thumps up.

"Tapos na."

Ngumiti siya saka lumapit sa akin. Hinalikan ang aking noo bago kinuha ang maleta na naglalaman ng gamit ko.

"Tara na. Mahaba haba pa ang biyahe natin."

"Oki doki."

Sumunod ako sa kanya. Ni-lock ko muna ang condo unit ko bago sumunod kay boss na nauna ng bumaba.

Inilagay niya sa back compartment ang maleta ko kasama na din ang maleta niya.

Nauna na akong pumasok sa kotse saka siya sumunod sa akin. Inilagay niya sa ignition ang susi bago niya ipinaandar ang kotse.

"Are you excited?" Baling sa akin ni boss.

Sinulyapan ko siya saka nginitian. "Yep. Matagal tagal din ang bakasyon natin kaya excited ako."

Ngumiti din siya bago ako sinulyapan at binalik din ang paningin sa daan.

"Halata nga."

"Saan ba tayo magbabakasyon?" Curious na tanong ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa niya nasasabi sa akin kung saan kami magbabakasyon.

"May rest house kami sa coron palawan. Doon tayo pupunta pansamantala."

Napatango tango ako. "Hindi pa ako nakaka punta sa Palawan. Pero base na mga nakikita ko sa internet, maganda ang dagat doon lalo na ang mga tanawin."

"That's why I want you to try something different. Gusto kong ilayo muna ang girlfriend ko sa stress."

Napabungisngis ako sa kanyang sinabi at hindi ko mapigilang makaramdam ng konting kilig.

"Hindi naman ako stress. Pero sang-ayon ako sa desisyon mong magbakasyon muna ako. Kagagaling ko nga lang sa sakit, pakiramdam ko magkakasakit na naman ako." Nakangusong wika ko.

Lumambot ang ekspresyon niya nang mapasulyap siya sa gawi ko. "That's why I want us to be free kahit ngayon lang. Wag na muna nating isipin ang trabaho natin. Mga problema na nagdadala sa atin ng stress."

Bahagya akong napangiti. "Wag kang mag-alala. Ilalayo ko muna ang sarili ko sa mga ganuong bagay. Hindi ko na muna yun iisipin. Ayokong mag-alala ang gwapo kong boyfriend." I teasingly said.

"Damn. It sounds so sexy when you said I'm your boyfriend. Tsk. Tsk. Ang lakas talaga ng tama ko sayo."

Tinawanan ko lang siya. "Wag mo muna akong iistorbohin. Gusto kong matulog. Malayo pa naman ang biyahe natin." Saad ko bago sumandal sa kinauupuan saka ipinikit ang mga mata.

"Okay. Gigisingin nalang kita kapag nakarating na tayo."

"Hmm." Was all I said before darkness take me.

_

Hindi ko alam kung anong oras na akong nagising. Basta pag tingin ko nalang sa labas ng bintana, pababa na ang araw.

"Nagising ba kita?"

Namumungay ang matang sinulyapan ko si boss na nagmamaneho parin. Umayos muna ako ng upo bago ko siya sagutin.

"Hindi naman. Bakit hindi mo ako ginising para kumain?" Nakanguso kong sabi lalo na ng marinig ko ang kumakalam kong sikmura.

"Ang himbing kasi ng tulog mo. Your snoring as well. Habang tinitingnan kita kanina, wala akong lakas para gisingin ka. Ang sarap kasi ng tulog mo." Ani niya sa nag-aalalang boses.

The CEO's Secretary [Published Under KPub PH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon