Cathlyn's Po'V
Straight two weeks ay naka tengga lang ako sa condo. Si boss lang ang palagi kong kasama na parang dito na din tumitira. Dito na siya umuuwi, natutulog, at kumakain para lamang mabantayan ako ng mabuti.
E kesyo may kasalanan din naman daw kasi siya kung bakit ito nangyari sa akin. He's always caring and sweet towards me. Hindi niya ako pinayagang gumawa ng gawaing bahay dito sa condo. Palagi niya lamang akong pinapatulog kaya ang ginagawa ko, kain at tulog lang.
Siya ang naglalaba sa personal kong mga damit. Sinabi kong ipalaba nalang niya sa laundry na nasa baba ngunit hindi siya pumapayag. Hindi niya raw kasi gusto na may ibang makakakita sa personal kong mga gamit.
Siya na din ang tagaluto ko dahil nga hindi niya ako hinahayaang gumalaw. Kaya ngayong araw na magising ulit ako, hindi ko na siya hinayaan pa. Isa pa, wala na akong maramdamang kahit na anong sakit sa pagkababae ko.
Kaya mas lalo lamang akong nai-inlove sa kanya sa mga nagdaang araw.
"Magpahinga ka nalang. Wag ng makulit." Mariing saad sa akin ni boss habang nagluluto ng agahan namin. He's wearing my pink apron kaya hindi ko maiwasang medyo matawa. But, he's actually cute.
"Jackson. Hindi na nga masakit. Ayoko namang abusuhin ka. Isa pa, pumunta ako dito para magtrabaho ay hindi para alagaan mo. Baka hindi mo pa ako swelduhan niyan dahil sa dami ng absence ko." Nakanguso kong saad.
Pinatay niya muna ang kalan bago ilagay ang niluto niyang itlog sa lalagyan, saka siya humarap sa akin.
"Paano kung mabinat ka? Paano kung mas lumala lang yang sakit mo? Paano kong—"
I silence him with putting my index finger on his lips. "Shut. Up." Mariin kong sabi saka ko ibinaba ang aking kamay. "listen. I'm very lucky na palagi mo akong inaalagaan. Hindi mo ako pinapagalaw para hindi lumala ang aking kalagayan. Pero sabi nga ng doktor, gagaling din ako sa loob ng dalawang linggo. Ang look at me now! Mabuting mabuti na ang kalagayan ko dahil sayo." Hinaplos ang ang kanyang pisngi. "Please, hayaan mo naman akong bumawi sayo. Ayokong abusuhin ang kabaitan mo sa akin. Gusto kong ako naman." Nakangiti kong sabi habang hinahaplos ang kanyang pisngi.
Biglang lumamlam ang mukha niya saka niya ako hinapit palapit sa kanya at niyakap. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa aking leeg.
"I promise you that I want to be a good boyfriend to you. That's why I'm doing this. Hindi lang yun ang dahilan ko, gusto kong alagaan ka talaga sa abot ng makakaya ko."
Napangiti ako sa kanyang sinabi saka hinaplos ang kanyang ulo. "It's too much, Jackson. Sobra sobra na ang ginawa mo. Para alagaan ako sa loob ng dalawang linggo? It's too much." Kumawala ako sa yakap saka sinapo ng dalawa kong kamay ang mukha niya. "Ang this time. It's my turn. I promise to you too that I'll do my best to be a good girlfriend. Ayokong abusuhin ang kabaitan ng boyfriend ko."
Dahan dahang sumilay ang ngiti sa nga labi niya bago idinantay ang kanyang noo sa noo ko.
"It's so good to hear that your calling me 'boyfriend'. Now I have a proof that your mine."
Natawa ako sa kanya saka pinanggigilan ang kanyang pisngi. "Now let's eat. Baka ma late tayo sa trabaho."
Natawa na din siya saka ako binigyan ng mabilisang halik sa mga labi.
"Noted."
Lumayo siya sa akin saka akmang kukuha ng plato ng pigilan ko siya.
Umiling iling ako. "Ah-ah." Hinawakan ko siya sa pulsuhan saka hinila siya at pinaghugot ng upuan. "Just hang in there and wait for me. Sabi ko sayo. Babawi ako."
BINABASA MO ANG
The CEO's Secretary [Published Under KPub PH]
Romance-My darkest memory is the reason why I hate boys. The reason why I can't love them. But then, he, is the reason why I realize something- Cathlyn Mae Celso Relavo was a simple girl. Wala sa isip niya ang mag boyfriend. Dahil para sa kanya, lahat ng m...