CHAPTER 9

2.6K 80 0
                                    

Cathlyn's Po'V

Oras ng kainan ay aakalain mong walang nangyari kaninang sagutan. The way my father talk to boss, he's like his been know him for years. Para bang wala siyang galit sa mga lalaki dahil sa nangyari sa akin.

Where is my father who seldom talk to a guy? Where is my strict father?

Wala akong maisip kung bakit nagkakaganito si Itay. It's either wala siyang galit kay boss. O may nangyari sa pag-uusap nila kanina.

"May alam ka ba kung ano ang nangyayari, ate?" Tanong ni Jelian sa akin sa mahinang boses. Yung kami lang ang nakakarinig.

Umiling ako habang tutok parin ang tingin kay Itay at boss na masayang nag-uusap.

"Wala akong alam dito Jel. Nagulat nga ako nang madatnan ko silang masayang nag-uusap." Bulong ko pabalik.

"Baka naman nawala na ang galit ni Itay sa mga lalaki?"

Napailing ako. "Hindi ako sang-ayon sa sinabi mo Jel. Kung wala na siyang galit, bakit pa niya kailangang magalit kay boss kanina?"

Nilingon ko si Jelian na bumuntong hininga. "Dalawa lang kasi yan ate. Mabait si Tatay sa kanya dahil boss mo siya, o gusto niya si Sir Jackson para sayo." Humagikhik pa ang aking kapatid sa kanyang sinabi.

Tiningnan ko siya ng masama. "Ikaw Jelian ah. Tigilan mo ako. Hindi kita bibigyan ng regalo." Banta ko.

Napanguso si Jelian saka pinagpatuloy ang pagkain. Hindi na siya muling nagsalita kaya kumain na ulit ako.

Napatingin ako kay Inay na tahimik lang na kumakain. Mababakas sa mukha niya ang kasiyahan ngunit mas nanaig ang kaguluhan sa mukha niya.

Mukhang hindi lang kami ni Harold ang naguguluhan sa mga nangyayari. Lahat kami dito sa hapagkainan maliban sa dalawang na masayang nag-uusap.

"May nobya kana ba, hijo?" Tanong ni Itay.

"Wala pa po akong plano na mag nobya, tay." Tugon naman ni boss.

Kahit ilang beses na niyang tinawag na tay ng sariling ko ama ay hindi parin talaga ako sanay. Nakakailang kasi! Ang tatay ko tinatawag din niyang tatay?! Unbelievable!

"Aba'y kay gwapo mong lalaki. Bakit wala naman wala kang plano? Hindi mo pa ba nahahanap ang babaeng para sayo?" Naghihisterikal na usal ni Itay.

Tumigil sa pagkain si boss saka ako tiningnan. Kumunot ang noo ko at napataas ng kilay.

"Matagal ko na po siyang nahanap, tay. Pero wala akong lakas ng loob upang umamin sa kanya." Seryosong saad ni boss habang nakatingin sa mismong mata ko.

Lihim akong napalunok at nagbaba ng tingin. Hindi ko alam kung bakit may kirot akong naramdaman nang sabihin niyang nahanap na niya ang babaeng para sa kanya.

Ngunit bakit sa akin siya nakatingin at seryosong binigkas ang mga salitang yun? Siguro para malaman kong may mahal na siya? Siguro para ipaalala niya sa akin na natulungan ko na siyang hanapin ang para sa kanya?

Napangiti ako ng mapait. Siguro ganun na nga. Pinapaalala niya sa akin na nahanap na niya ang para sa kanya.

Tumayo ako na ikinatingin nilang lahat sa akin.

"A-Aakyat na po ako. Tapos na po akong k-kumain." Utal kong wika.

Hindi ko na hinintay ang kanilang tugon at deretso na akong pumunta sa aking kwarto na nasa ikalwang palapag ng aming bahay. Hindi gaanong maliit at hindi gaanong malaki ang aming bahay, katamtaman lang ito.

Nang makapasok ako sa aking kwarto ay napasandal ako sa nakasarang pinto. Huminga ako ng malalim at marahas itong pinakawalan. Ilang ulit ko iyong ginawa hanggang sa kumalma ang aking pusong malakas ang tibok.

The CEO's Secretary [Published Under KPub PH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon