CHAPTER 10

2.8K 81 4
                                    

Cathlyn's Po'V

Kinabukasan ay naging busy ang lahat. Si Itay, Harold at boss ay pumunta sa palengke upang mamili ng sangkap na gagamitin sa pagluluto. Habang kami ni Inay at Jelian ay pumunta sa pinagtatrabahuan ni Inay.

"Ang dami na palang nag bago dito sa probinsya. Ganun ba ako katagal nawala dito?" Mahinang ani ko habang naglalakad kami papunta sa pinagtatrabahuan ni Inay. Hindi naman ito kalayuan kaya hindi nalang kami sumakay upang mas makatipid.

"Hindi naman ganun katagal, ate. Marami lang talagang nagbago nuong nawala ka." Wika ni Jelian na nasa tabi ko.

"Hindi naman karamihan may pagbabago, anak. Yung iba mas piniling hindi nalang baguhin kung ano ang nasa kanilang paligid." Makahulugang ani ni Inay.

Napatango-tango ako. Grabe talaga kung magsalita si Inay. Parating makahulugan.

"Siya nga pala, Jelian. Sino-sino ang imbitado sa kaarawan mo?" Tanong ko.

Twenty-th birthday ngayon ni Jelian. Nasa second year college sa kursong Education. Habang si Harold ay nasa highschool na graduating na. Kursong criminology naman ang kanyang kinuha. And me. Nearing twenty five.

"Mga malalapit ko lang na kaibigan at classmates tsaka adviser ko. Yun lang."

"Kaya din tayo pupunta kela madam Lucile ay para imbitahan din sila sa kaarawan mo." Wika ni Inay na kinatingin naming dalawa ni Jelian.

"Pero nay. Alam mo naman kung gaano ka suwail ang anak na babae ni madam Lucile. Sarap tirisin na parang kuto eh!" Naiinis na bulalas ng aking kapatid.

"Mabait naman na bata si Olivia, anak. Minsan lang naman siya masungit." Pagtatanghol pa ng aking Ina.

"Kung sana kagaya siya ng kuya niyang mabait."

"Si Vince? Nakauwi na siya galing states?" Nae-excite kong saad.

Vince is a friend of mine since I was a kid. Malapit kami sa isa't isa hanggang highschool. Nawalan lang kami ng kumonikasyon nang mag-aral siya sa states. Mas matanda siya sa akin ng tatlong taon ngunit hindi ko siya tinatawag na kuya.

Tumango si Jelian. "Last month pa umuwi si kuya Vince."

I can't help but to get excited. Sobrang tagal na nang huli kaming magkausap at magkita.

"Hinanap ka nga sa akin ni Vince." Natutuwang saad ni Inay.

Napangiti ako sa kanyang sinabi. "Talaga, nay? Ano pong sabi niya?" Atat na tanong ko.

"Kinamusta ka lang niya sa akin. Ibig sana niyang puntahan ka sa ating bahay ngunit hindi siya maka-alis sa kanilang bahay."

Nagunot ang noo ko. "Bakit naman po daw?"

"Siya ang namamahala ngayon sa kanilang hacienda. Siya ang magmamana sa negosyo ni Señor Felipe."

Napatango-tango ako sa sinabi ni Inay. Ngunit hindi nabawasan nun ang aking kasabikan na makita muli si Vince.

"Kung kilala mo si kuya Vince, ate. Kilala mo din si Olivia?" Curious na tanong ni Jelian.

Hindi nalalayo ang edad ni Olivia at Jelian. Mas matanda lang ng dalawang taon si Olivia kay Jelian.

Umiling ako. "Kilala ko siya ngunit hindi ko pa nakita. Palaging kinukwento sa akin ni Vince na may bunso siyang kapatid. Ayon sa kanya, nag-aaral daw ito sa states."

"Kaya pala. Mukhang siya yung usap-usapan dito na may isang anak sila Señor Felipe na nakauwi. Akaka ko nuong una ay si kuya Vince."

"Bakit para kilala mo si Olivia base sa sinasabi mo? Bakit mo naman nasasabi na hindi maganda ang kanyang ugali?" Taas kilay na tanong ko sa aking kapatid.

The CEO's Secretary [Published Under KPub PH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon