Cathlyn's Po'V
Ilang oras ko pang hinanap ang room namin bago ko ito natagpuan. Nag-alinlangan ako kung bubuksan ko ba ang pinto o hindi muna? Ilang segundong pag-iisip ang ginawa ko bago ko ito binuksan.
Pagkapasok ko sa kwarto ay wala akong nadatnang Jackson Morales Fuentabella. Tama nga ang sinabi ng clerk, malawak at malaki ang kama ng kwarto. May dalawang malalaking couch na paniguradong sakto ako duon.
Inilibot ko ang paningin ko upang hanapin si sir. Hindi dahil gusto kong makita siya, kundi para iwasan siya. Tahimik ang buong kwarto. Inisip kong baka nasa banyo ito ngunit wala akong marinig na lagaslas ng tubig.
Napatingin ako sa bagahe namin. Nilapitan ko ito nang may mapansin ako. Isang note.
If your reading this. I'm sorry. I just couldn't help it. But honestly, I'm very very sorry of what I have done. Asahan mong hindi ko na yun uulitin.
Get rest and eat. Ako nalang ang pupunta sa meeting at magpahinga kana diyan. Again. I'm sorry.
-Your boss
Napabuntong hininga ako sa nabasa. Hindi ko maipaliwanag sa sarili ko kung bakit biglang gumaan ang pakiramdam ko sa kanyang sinulat. Pero hindi parin nawala ang konting bigat sa aking dibdib.
Siguraduhin mo lang sir. Aasahan kong hindi mo na iyon uulitin.
Wala naman sigurong mali kung pagkatiwalaan ko siya ng kaunti. Hindi ko naman ititigil ang konting pag distansya ko sa kanya. Aware akong mali ang ginawa niya, kaya mas doble pa akong nag-iingat at dumidistansya kahit parati namang palpak. Mabuti nalang ngayon na nasa meeting na siya.
Kumuha ako ng gamit sa loob ng bagahe ko bago dumeretso sa banyo upang maligo. Pagkalabas ko palang ng banyo ay siyang pagtunog ng door bell. Lumapit ako sa pinto saka tumingin sa peep hole.
Binuksan ko ito nang makitang isa iyong staff.
"Good evening." Paunang bati ko.
"Good evening maam. I'm here to deliver your food." Slang na wika nito.
Napataas ang kilay ko. "I didn't order."
"This order is for Ms. Cathlyn Mae Relavo. Mr. Jackson Fuentabella ordered this."
Hindi ako nakasagot sa sinabi ng staff. Jackson ordered it for me?
"Oh. Let me take that."
Kinuha ko ang dala niyang stroller na may lamang pagkain at pinasok ito sa loob. Sinara ko ang pinto nang makaalis na siya.
Isa-isa kong binuksan ang takip ng mga pagkaing hindi ko mapangalanan. Pero base sa itsura, mukhang masasarap ito.
Hindi ako nagdalawang isip na lantakan ito. Naubos ko ang tatlong iba't ibang order sa loob lamang ng ilang oras.
"I'm full."
Hinimas-himas ko pa ang tiyan ko dahil sa kabusugan. Niligpit ko ang aking pinagkainan bago itinabi ang stroller.
Napahiga ako sa kama dahil wala akong magawa. Pilit kong isinisiksik sa utak ko ang ginawa at nagawa ni sir sa akin.
For some unknown reason, mas gumaan lalo ang pakiramdam ko sa kanyang ginawa. Kung harap-harapan siyang humingi ng tawad. Baka sa pagkakataong iyon, mapatawad ko na talaga siya.
BINABASA MO ANG
The CEO's Secretary [Published Under KPub PH]
Romance-My darkest memory is the reason why I hate boys. The reason why I can't love them. But then, he, is the reason why I realize something- Cathlyn Mae Celso Relavo was a simple girl. Wala sa isip niya ang mag boyfriend. Dahil para sa kanya, lahat ng m...