CHAPTER 21

2.5K 65 0
                                    

Cathlyn's Po'V

Siyam na oras ang nilaan namin ni boss para makarating kami sa probinsya namin. Dahil nga tanghali kami nagsimulang bumyahe, nine pm na kami nakarating.

"Oh anak! Napa bisita kayo?" Gulat at hindi makapaniwala ang mukha ni nanay nang madatnan niya kami ni boss sa labas ng bahay.

Ngumiti ako saka niyakap si nanay. "Na miss ko po kasi kayo. Kaya kami napabisita ni boss dito." Ani ko saka kumalas sa pagkakayakap.

"Good evening po nay." Magalang na ani boss na nasa tabi ko.

Lumawak ang ngiti ni nanay. "Pasok na kayo. Baka kayo'y mahamogan diyan at magkasakit."

Niluwagan ni nanay ang pagkakabukas ng gate saka kami pinapasok. Nang makapasok kami sa loob ng bahay ay nadatnan namin si tatay na nanood ng TV. Si Jelian na busy sa cellphone at si Harold na busy sa isang libro.

"Ernesto. Nandito ang anak mong si Cathlyn." Anunsiyo ni nanay nang makapasok siya sa loob.

Napabaling ang tingin ni tatay sa amin. Si Jelian na busy kanina sa kanyang phone ay napatayo. Si Harold  naman, as usual, nag-angat lang ng tingin.

"Anak! Jackson! Mabuti naman at bumisita kayo." Malaki ang ngiti sa labi ni tatay na agad kaming niyakap ni Jackson.

Yumakap din ako pabalik. "Na miss ko po kasi kayo tay." Ani ko saka kumalas sa pagkakayakap.

Nakipag tapikan naman si boss kay tatay.

"Good evening po tay. Na miss ko ho kayo." Pabirong ani ni boss.

Tumawa si tatay. "Aba't palabiro ka parin. Kumain muna kayo saka kayo magpahinga. Alam kong pagod kayo." Saad ni tatay.

"Ate! May pasalubong ka ba?" Singit ni Jelian na pangisi-ngisi.

Sinamaan ko siya ng tingin saka pabirong binatukan. "Oo may pasalubong ako pero walang sayo. Ang dami kaya ng pasalubong na ibinigay ko sayo nung kaarawan mo."

Nanulis ang nguso niya. "Ang daya naman." Saka siya biglang ngumisi. "May dapat ba kaming malaman?" Pabulong na ani nito ngunit alam kong narinig iyon ni tatay na kausap si boss.

Kinurot ko siya sa tagiliran na kinaigtad niya. "Ikaw talaga." Sinamaan ko siya ng tingin saka bumaling kay boss na tahimik na kausap si tatay. "Boss, gusto mong kumain muna? Hindi pa tayo kumakain ng dinner." Singit ko sa usapan nila.

Tumigil sila sa pag-uusap saka ako hinarap ni boss. "Sure. Medyo nagugutom na din kasi ako." Nakangiwing ani niya.

Malakas na natawa si tatay. "Ano pang hinihintay niyo? Pumunta na kayo sa kusina. Paniguradong tapos ng magluto ang mahal kong asawa." Ani tatay na may ngiti sa labi.

Niyaya ko na si boss saka kami naglakad papasok sa kusina. Pagpasok palang namin ay amoy na amoy na ang niluto ni nanay. Nakita namin si nanay na naghahanda ng mga plato. Umupo ako sa upuan habang si boss ay katabi ko.

"Amoy palang masarap na." Napapangiting ani ko.

"Hinanda ko talaga ang paborito mong sinigang na bangus. Pakabusog kayo." Ani nanay nang matapos siya sa paghahanda, saka siya lumabas ng kusina.

Nilingon ko si boss sa tahimik lang. "Kumain kana. Alam kong kanina ka pa nagugutom."

Kumuha ako ng kanin saka nilagyan ang plato ni boss. Sinunod ko ang ulam saka nilagyan ng sabaw ang ibabaw ng kanin.

"Bukas ba natin sisimulan ang plano?"  Pabulong na ani niya saka nagsimula ng kumain.

Tumango ako saka nilunok ang kanin. "I hope it's effective. Kailangang magawa natin ito ng maayos dahil maapektuhan din tayo." Bumuntong hininga ako. "Ayokong mawala ka sa akin. Hindi ko yun kakayanin." Ani ko saka matipid na ngumiti.

The CEO's Secretary [Published Under KPub PH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon