Cathlyn's Po'V
Nag-iimpake ako ng gamit ko sa condo para sa pag-uwi ko sa probinsya namin nang may kumatok. Tinapos ko muna ang aking pag-iimpake bago pumunta sa pinto.
"Boss—este Jackson. Nandito kana pala." Bungad ko nang buksan ko ang pinto.
Namulsa si boss sa kanyang suot na ripped pants. "I'm on time right?"
Niliwagan ko ang pagkabukas ng pinto. "Yeah. Pasok ka muna, kukunin ko lang ang damit na inimpake ko."
Lumakad si boss papasok sa loob kaya naman amoy na amoy ko ang kanyang pabango nang mapadaan siya sa gawi ko.
Marahas akong napabuga ng hininga saka ko isinara ang pinto. Hindi yata nakatulong ang advice nila Portia at Katrina. Mas lalo lang nilang ginugulo itong nararamdaman ko.
Kailangan ko lang siyang iwasan at layuan. Pero paano? Paano ko iyon gagawin kung nakapangako na kami sa isa't isa na magtulungan? Paano ko iyon gagawin kong ang sarili ko mismo, hindi kayang lumayo? Napabuntong hininga nalang ulit ako.
He's torturous and definitely I'm in danger.
"Kumain kana ba? Malayo pa ang biyahe natin." Pagbasag ko sa katahimikan.
Nilapitan ko ang aking bag na naglalaman ng damit saka ito inayos.
"Kanina pa ako kumain. May kotse namang gagamitin kaya okay lang kahit malayo ang biyahe."
Napalingon ako sa gawi ni boss na nakaupo sa couch. "Nagdala ka ng kotse? Akala ko pa naman mag je-jeep tayo." Usal ko saka isinara ang bag at sinukbit ito sa aking balikat.
Nalukot ang mukha ni boss sa aking sinabi. "I can't stand that. Mas mainam ng kotse ang gamitin natin para walang hassle."
Napairap nalang ako saka kinuha ang mga pinamili ko kahapon. "Kung ganun tara na. Para mas maaga ang pagdating natin sa probinsya."
Tumayo si boss saka ako dinulugan. "Ako na diyan." Kinuha niya ang bitbit ko pati na ang cake na para kay Jelian.
"O sige." Hindi na ako nag protesta pa dahil nahirapan din naman ako sa pagdala. Lalo na sa cake na kailangang ingat na ingat ka.
Nauna akong lumabas ng condo saka ko hinintay si boss na makalabas para ma lock ko ang pinto. Dumeretso ako sa kanyang kotse na naka-park sa labas. Inilagay niya ang mga pinamili ko sa back compartment habang ang cake naman ay nasa backseat.
Pumasok ako sa front seat habang hinihintay si boss na makapasok. Inilagay ko sa hita ang bag ko para maging komportable ako sa pag-upo.
"Ilang oras tayo makakarating duon?" Tanong ni boss nang makasakay siya sa kotse. Ini-start niya ito saka kami humarurot paalis.
"Siyam na oras ang biyahe natin." Tiningnan ko ang aking relo at nakitang alas siyete na nang umaga. "Mga alas kuwatro pa ang dating natin duon."
Sinulyapan ako ni boss saka ulit binalik ang tingin sa dinaraanan. "Do you want to passed the time?"
Humalukipkip ako. "Ano na naman? Truth or dare?"
I heard him chuckled. "Eh ano bang gusto mong gawin natin?"
Kumunot ang noo ko nang iba ang pumasok sa isip ko ng kanyang sinabi. Tumikhim ako saka umayos ng upo. What the eff is wrong with my heart?
"Truth or dare nalang. Mas mainam pa yun."
Hindi ko nilingon si boss kahit napansin kong napasulyap siya sa akin. "So who wants first? You or me?"
Nanatili akong nakahalukipkip habang nakatingin sa labas ng bintana. "Ikaw muna."
Narinig kong bumuntong hininga si boss kaya napalingon ako sa kanya. Sinulyapan niya ako saka ulit binalik ang tingin sa labas.
BINABASA MO ANG
The CEO's Secretary [Published Under KPub PH]
Romance-My darkest memory is the reason why I hate boys. The reason why I can't love them. But then, he, is the reason why I realize something- Cathlyn Mae Celso Relavo was a simple girl. Wala sa isip niya ang mag boyfriend. Dahil para sa kanya, lahat ng m...