CHAPTER 19

2.4K 64 0
                                    

Cathlyn's Po'V

Nakatayo ako sa veranda nitong bahay habang tinititigan ang malamyos na paghampas ng tubig dagat. Nanatili akong nakatayo nang may maramdaman akong kamay na pumulupot sa beywang ko mula sa likod.

Hindi ako nagsalita kagaya niya. Nanatili kaming tahimik habang payapang tinitingnan ang karagatan.

Iyong dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Hindi ko lang aakalain na ang unang minahal ni tatay ay ang mommy ni Jackson.

How cruel it is.

Alam kong hindi na mahal ni tatay ang una niyang minahal. Ngunit nandito parin sa puso ko yung pangamba na baka kung ano ang mangayari kay nanay. Kung ano ang magiging reaksyon niya na ang kanyang anak ay boyfriend ng anak ng unang minahal ni tatay.

"Hindi kapa ba kakain ng breakfast?" Mahinahong tanong ni boss habang nakayakap sa akin at nakapatong ang kanyang baba sa aking balikat.

Umiling ako. "Mamaya na siguro."

Dalawang araw na ang lumipas nang malaman ko yun. Dalawang araw na ang lumipas at hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala.

Narinig kong napabuntong hininga siya. Kumalas siya sa aming pagkakayakap saka niya ako pinaharap sa kanya.

"Ilang araw ka ng ganyan. Wala ka sa sarili at parang may malalim na iniisip. Tell me." Sinapo niya ang aking mukha. "May problema ba? Tayo? I'm all ears. Pwede mong sabihin sa akin kung ano ang bumabagabag sayo." Puno ng lambing ang kanyang boses.

Napabuntong hininga ako saka napatungo. "Bakit nangyayari sa atin ito? Kung saan masaya na tayo, saka naman bumabalik ang mga taong dapat nasa nakaraan lang?" Tumingala ako saka tinitigan siya sa mga mata. "Ano nalang ang mangyayari sa atin kapag nalaman nila ang katotohanan?" Puno ng pait ang boses ko habang tinatanong yun.

Tumitig din siya sa aking mga mata. "As I was said, I won't let anyone break us apart. Ano naman kung ang unang minahal ni mom ay ang tatay mo? May kanya kanya na silang buhay at alam kong mahal ng tatay mo ang iyong nanay. So as mom. Alam kong mahal niya si dad na higit sa inaakala ko. We just need to understand them and listen. Kung sakaling magkalinawan sila tungkol sa kanilang nakaraan, magiging maayos din ang lahat." Puno ng kompyansa ang kanyang boses. Pilit pinapalakas ang aking loob.

Napabuntong hininga ako saka ulit napatungo. "I'm scared. Bumalik si Frank. Ngayon nalaman ko na ang first love ng mom mo ay si tatay. Paano pa kaya kung babalik ang babaeng nasa nakaraan mo din?" Tiningala ko siya saka mapait na ngumiti.

Nakita kong napalunot siya ngunit ngumiti din kalaunan. "I love you Cath. Don't you ever doubt it. Ano naman kung babalik si Kate? Ano naman kung magkita kami?" Binigyan niya ako ng matamis na halik sa mga labi. "all I need to do is love you. Isa pa, alam kong may mahal ng iba si Kate. Hindi lang naman ako ang lalaki sa mundong ito. Now, if ever our past will show up this time. All we need to do is face them." He reassungly said.

Ngumiti ako ng bahagya. "If I want to meet Frank to clarify some things. Would you let me?"

Pigil ko ang matawa nang makitang lumukot ang kanyang mukha.

"Kasama pa ba siya?" Lukot ang mukhang tanong niya.

Pigil ang ngiting tumango ako. "Yep. He's part of my past. Kung kailangan ko siyang harapin para matahimik ang nakaraan ko, gagawin ko."

Nawala ang pagkakakunot ng kanyang noo at lumambot ang kanyang emosyon.

"Fine. I'll let you. But I accompany you. Baka kung anong gawin sayo ng Frank na yun." Bigla na namang lumukot ang kanyang mukha nang banggitin niya ang pangalan ni Frank.

The CEO's Secretary [Published Under KPub PH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon