CHAPTER 6

3.1K 99 3
                                    

Cathlyn's Po'V

Ang lugar na sinabi ni Jackson habang tinatanaw namin ito sa Toyama ay pinuntahan namin. Gaya ng Remote Village of Gokayama, UNESCO World Heritage site, Kurobe Gorge, at Tateyama Kurobe Alpine Route.

Nakakapanghinayang lang dahil matapos ang tatlong araw na pamamasyal namin ay nagtapos na. Papauwi ka kami ngayon papuntang Pilipinas para magtrabaho ulit.

Kahit may konting panghihinayang akong naramdaman ay masaya parin ako. Buong buhay ko pangarap ko lang ito, pero ngayon, nakamit ko na. And that thanks to my boss.

Pinanindigan talaga niya na babawi siya sa akin. Lahat ng pagbawi niya ay worth it. Sobra sobra pa nga.

"Are you not tired?" Tanong ni Jackson na katabi ko lamang.

Nilingon ko ito na busy sa isang file. "Medyo lang. Mamaya na siguro ako matutulog."

Itinigil ni Jackson ang kanyang ginagawa saka ako binalingan ng tingin. "You should rest. Matagal pa baga tayo maka uwi."

I shrugged. "Siguro tama ka. Medyo napagod talaga ako sa pamamasyal natin."

Jackson chuckled before mess up my hair. Hinayaan ko lang ito dahil palagi niya iyong ginagawa sa akin. Nakasanayan ko na.

"You should. Marami ka pang trabaho pagka uwi mo."

Napanguso ako sa kanyang sinabi. Nakalimutan kong may trabaho din pala ako sa Pilipinas. Maybe because I'm too happy that's why I forgot my job.

"Oo na. Matutulog na. Gisingin mo nalang ako pagkapalapag natin. And." Tiningnan ko siya gamit ang nagbabanta kong tingin. "Don't carry me like a bridal style."

He just chuckled and continue what he's doing. Kinuha ko ang earphone ko at sinaksak sa cellphone. Pinikit ko ang aking mata saka sumandal sa bintana ng eroplano.

At ang unang kantang tumugtog, ay ang kantang kinanta ko kay Jackson. So with that, I sleep with a smile on my face.

_

"Cath, wake up. Where here."

Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko nang marinig ko ang boses ni boss.

Yeah. Back to being boss.

"Cath, wake up or I'll carry you like a bridal style."

Hindi ko na hinintay na gawin yun ni boss at kusang iminulat ko ang aking mata. Narinig ko siyang mahinang tumawa kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"After three minutes or so. Nagising kana din. Kailangan mo lang palang takutin."

Bahagya akong nagulat sa kanyang sinabi. "Three minutes?"

Tumayo siya saka inayos ang suit na medyo nagusot. "Yeah, kaya tumayo kana diyan."

Tumayo ako at sumunod kay boss. Hindi ko alam na ganun pala ako kahirap gisingin. Really? Three minutes or so? Ganun ba kalalim ang tulog ko kaya hindi agad ako basta bastang nagigising?

Napailing-iling nalang ako saka lumabas ng eroplano. Napapikit ako sa magkahalong init at lamig ng hangin na tumatama sa mukha ko. Palatandaan na nandito na talaga ako sa Pilipinas.

"We should hurry, Cath."

Napatigil ako sa pagpikit dahil sa tawag ni boss. Sumunod na lamang ako sa kanya na ngayon ay malayo na.

"Yes, boss."

Napataas ang kilay ni boss dahil sa aking sinabi.

"You use to call me sir instead of boss. Why change it?" Tanong nito habang naglalakad kami palabas ng airport.

The CEO's Secretary [Published Under KPub PH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon