CHAPTER 3

3.6K 110 9
                                    

Cathlyn's Po'V

Saktong alas otso ng umaga ay nakarating kami sa airport upang pumunta sa business trip kasama si sir Jackson. Sakay kami ng private plane niya papuntang Japan.

Tahimik lang akong nakaupo sa isang upuan habang nakasalpak sa aking tainga ang aking earphone. Nasa pinakalikod ako, malayo kay sir na walang ka imik-imik. Maliban sa dalawang piloto at isang stewardess ay wala ng ibang sakay ang pribadong eroplanong ito.

Unang sakay ko palang ito sa eroplano, pero hindi ako isa sa mga babaeng ignorante. Hindi ako natulog ng mga ilang oras. Pasulyap-sulyap lang ako sa bintana at kay sir na seryosong nakatutok sa isang file.

Hindi ko alam kung kaaawaan ko ba si sir dahil sa narinig kong kwento nila Katrina at Portia. Batid kong hindi sila sigurado kung totoo iyon kaya nila nasabing tuklasin ko ito.

May parte sa isip kong tumatanggi, may parte naman sa isip kong sumang-ayon.

Mabilis akong umiwas ng tingin nang mapatingin ito sa gawi ko. Nagkunwari akong namamangha sa tanawin kahit ulap lang ang aking nakikita.

Kalaunan ay naboryo ako dahil wala akong maka usap. Pinili ko nalang matulog at hintayin ang paglapag ng eroplano sa destinasyon namin.

NAGISING ako na para bang nakalutang ako sa isang ulap. Unti-unting kumunot ang noo ko dahil hindi ko maramdaman ang lambot ng hinihigaan ko.

Nagmulat ako ng mata ay napatili. Sir Jackson is carrying me like bridal style! Kahiya!

Nakakailang akong tumayo ng maayos at nagpanggap na may pinapagpag sa damit ko. Tumikhim ako na para bang may naka bara sa aking lalamunan.

"S-Sir..." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil sa kahihiyan. Bakit pa niya ako bubuhatin kung pwede naman niya akong gisingin?

Tila nabasa ni sir ang nasa isip ko dahil agad itong sumagot. "I tried to wake you up. Mukhang tulog na tulog ka kaya hindi ka magising. So I suggest to carry you." Walang emosyong ani ni sir.

Tumikhim ulit ako bago nagsalita. "Y-You don't have to, sir. Sana pinilit niyo nalang akong gisingin." Malayo ang tingin na saad ko.

Hindi ako makatingin ng deretso sa kanyang mata. Ramdam ko pag-iinit ng pisngi ko at pagkabog ng dibdib ko.

"It's okay." Wika nito bago ako nilagpasan.

Wala sa sariling napasunod ako. Gusto kong magtaka kung bakit ganito ang trato niya sa akin. Base sa kwento nila Kat at Portia, ilap sa babae si sir. Pero gaya din ng sabi nila, fifty-fifty ang porsyento kung totoo ba iyon. Naguguluhan ako.

Agad kaming sumakay sa nakaparadang kotse na para sa amin. Nasa backseat si sir at ako naman ay front seat.

"Bakit diyan ka umupo?" Biglang tanong ni sir sa hindi pa umaandar na kotse.

Nilingon ko ito ngunit hindi ako tumitig sa kanyang mata. "Mas komportable po ako dito, sir." Magalang kung sagot.

Bumuka ang bibig nito ngunit walang salita na lumabas duon. Hanggang sa umandar ang kotse ay hindi na ulit siya umimik pa. Tumingin ako sa bintana at tinanaw ang napakagandang tanawin ng Japan. First time kong makasakay sa eroplano, first time kong maka punta sa bansang labas ng Pilipinas. All thanks to my job, and of course, kay sir.

Ang gusto ko lang ay makapag trabaho, ngunit hindi ko aakalaing mas may hihigit pa duon.

Nagmula ako sa simpleng pamilya. Ang gusto ko lang mangyari ay mga simpleng bagay. Gaya ng pagtatrabaho at tulungan ang mga kapatid ko upang makapag tapos ng pag-aaral.

The CEO's Secretary [Published Under KPub PH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon