CHAPTER 12

2.7K 72 1
                                    

Cathlyn's Po'V

Pagkauwi namin ni boss sa bahay ay deretso kaming nagbihis sa kanya-kanya naming kwarto. Gabi na ng makauwi kami at hindi pa kami kumain ng tanghalian. Kaya ito kami ngayon, kumakain sa dining area.

"Diyos kong mga bata kayo. Bakit ba kayo hindi kumain ng tanghalian? Akala ko naman kung saan kayo pupunta. Eh sa talon lang pala malapit dito." Panenermon ni Nanay.

Patuloy lang kaming dalawa ni boss sa pagkain. Si nanay at tatay lang ang nandito ngayom habang si Jelian ay nasa kwarto siguro. Si Harold naman ay hindi ko alam kung nasaan.

"Paano kapag nagkasakit kayo? Ikaw Cathlyn, may sugat ka pa naman. Baka magkaroon ng impeksyon yan." Sermon ulit ni nanay habang palakad lakad sa tabi ko.

Hinawakan ni tatay si nanay sa balikat at pinakalma. "Hayaan mo na lamang sila, Mariluo. Malalaki naman na sila at kaya na nila ang kanilang mga sarili." Buong suyo ang boses ni tatay.

"Alam ko iyon, Ernesto. Ang sa akin lang. Paano kung magkasakit sila? Basa pa naman sila at hindi kumakain ng tanghalian. Baka mapano sila." Naghihisterikal na saad ni nanay.

Mukhang hindi kayang suyuin ni tatay si nanay, kaya ako ang naglakas ng loob na magsalita upang hindi na sila magalit pa.

"Nay. Ako po ang may kasalanan. Niyaya ko po kasi si boss na mamasyal kami kahit hindi pa kami kumakain ng tanghalian." Nakangusong saad ko.

"No. It's also may fault. Ginusto ko naman po kasing mamasyal kaya pumayag ang anak niyo. Ako din po ang nagyaya sa kanyang maligo kaya sa akin nalang po kayo magalit. Wag po sa kanya." Sabad ni boss kaya napabaling kaming lahat sa kanya.

Narinig kong bumuntong hininga si nanay. "Oh, siya. Basta wag niyo na ulit iyon uulitin. Nag-aalala ako sa inyo." Napailing-iling si nanay. "tapusin niyo na yang kinakain niyo at mag-ayos na kayo. Malapit ng magsimula ang konting salo-salo natin dito." Huling saad ni nanay bago lumabas ng kusina na sinundan naman ni tatay.

"Your so lucky to have those parents."

Napabaling ang tingin ko kay boss na matiim na nakatitig sa akin. Wala akong maramdamang ilang dahil sa pagkakatitig niya. Siguro dahil palagi niya iyong ginagawa sa akin kaya nasanay na ako.

Ngumiti ako. "It is. Galit lang yun si nanay dahil nag-aalala siya sa atin. Actually, silang dalawa ni tatay. Overprotective sila sa aming magkakapatid."

Bahagyang napangiti si boss. "Ano kayang pakiramdam kapag naging magulang ko na din sila, noh?"

I suddenly froze on his question. Hindi malaman kung ano ang sasabihin sa kanyang sinabi.

"W-What do you m-mean?" Utal ko pang paninigurado.

Mas lalong lumawak ang pagkakangiti ni boss. "I'll tell you later. Tapusin na muna natin itong kinakain natin." Sabi niya saka nagpatuloy sa pagkain.

Pasimple akong huminga ng malalim at kinapa ang dibdib ko kung nasaan ang aking puso. Sobrang bilis ng pagkabog nito na para bang tumakbo ako ng ilang kilometro.

But I know who is the reason behind it. Nakagat ko nalang ang labi ko upang pigilan ang ngiting kumawala dito.

Iba talaga ang sarap sa pakiramdam kapag gusto ka ng taong gusto mo. Para bang makakahinga ka na ng maluwag dahil sa nakitang iyon.

Mas lalong nakagat ko ang aking labi dahil sa tagpong nangyari duon sa talon. Hindi ko mapigilang isipin ang nangyari sa amin duom, dahilan para makaramdam ako ng init sa magkabila kong pisngi.

Binilisan ko nalang ang pagkain ko saka ito nilagay sa lababo. Saktong pagharap ko ay nasa harapan ko na mismo si boss. Napasinghap ako at napaatras, ngunit ngayon ko lang napagtanto na wala na akong maatrasan pa.

The CEO's Secretary [Published Under KPub PH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon