CHAPTER 20

2.5K 73 0
                                    

Cathlyn's Po'V

"Spill it."

Umayos ng upo ang aking kaharap saka tumikhim. Nanatiling walang emosyon ang aking mukha dahil ayokong makikitaan niya ako nun.

"Na temp lang ako noon. Yung inakala mong babaeng kasa-kasama ko noon, blinock mail niya ako."

Nagtagis ang bagang ko saka siya tiningnan ng masama.

"Gago ka. Akala ko pa naman hindi ka uto-uto. Pero bobo ka din pala. Ano namang pang ba-block mail na ginawa ng babaeng yun para matakot ka?" Mas lalong sumama ang aking mukha.

Parang yun lang? Nagawa na niya yun sa akin? Sa pagkakakilala ko kay Frank, hindi siya madaling matakot. Pero ang nga sinabi niya ngayon? Pinatunayan lang nun na takot talaga si Frank sa babaeng yun.

Bumuntong hininga siya. "M-May nangyari kasi sa amin. But that's not what you think. Kakilala siya ng barkada ko. Nagkayayaan kami at ayun na nga, she drug me. Nang magising ako, nasa iisang kama kami at hubo't hubad. Sobrang takot ang naramdaman ko noon. Mahal na mahal kita kaya sobrang pagsisisi ang naramdaman ko. I don't even know na kaya palang gawin ng babaeng yun ang ganuon. Cathlyn, alam mong mahal na mahal kita. Alam mong hindi ko yun kayang gawin sayo." Puno ng pagmamakaawa ang kanyang boses.

Mas lalong nagtagis ang bagang ko. "Walang hiya ka pala eh. Kung mahal mo pala ako noon. Bakit mo pa yun ginawa sa akin? Matatanggap ko pa sana na may nangyari sayo at may eksplenasyon na kasama. Maiintindihan ko pa yun eh!" Dinuro ko siya. "akala ko wala kang kinatatakutan. Pero nagkamali pala ako. Nagpadala ka sa takot mo at ikaw mismo ang dahilan kung bakit ko kinamumuhian ang mga kabaro mo. Ikaw mismo ang dahilan kung bakit dala dala ko ang takot dito sa puso ko. Ikaw mismo ang dahilan kung bakit hindi ko na gustong magmahal." Mariin at pigil ang pagsigaw ko sa nga katagang yun.

Umiling iling siya. Nagmamakaawa ang mga mata. "Oo, hindi ako matatakutin, pero pagdating sayo, lahat ng bagay natatakot ako. Kaya sobrang takot ang naramdaman ko nang sabihin nang babaeng yun na baboyin kita kung hindi, ikakalat niya ang video namin. Please, Cathlyn. Maawa ka sa akin. Hindi ko naman yun intensyon. Kung kailangan kong lumuhod, luluhod ako. Kung kailangan mo akong saktan, sige, saktan mo ako. Tatanggapin ko kahit ano. Patawarin mo lang ako." A tear escape from his eyes.

Desperadong desperado siya na patawarin ko. Pero hindi ko pa pala kaya. Hindi ko kasi siya maintindihan! Sinaktan pa nga niya ako, tapos lalapastanganin pa?

"I could forgive you. But I don't think when. Sa mga nalaman ko ngayon, mas lalong bumigat lang ang aking dibdib. Alam mo, napakawala mo kwenta. Minsan napapaisip ako kung bakit ba kita minahal noon? Mabuti kang tao Frank. Pero hindi pala lahat ng mabuti sayo ay mabuti din ang intensyon." Nagtatagis ang bagang na usal ko sa kanya.

Marahas siyang umiling. Patuloy lang ang pagdaloy ng kanyang luha. "Cathlyn listen! Hindi mo ba ako maintindihan? She black mail me. Siya ang dahilan kung bakit ko yun nagawa sayo. Kahit anong pagpipilian ko, masasaktan at masasaktan pa din kita."

"Pero ikaw pa din ang nag desisyon na gawin yun sa akin. Oo inutusan ka niya na gawin yun. Pero naisip mo bang mas lalo lamang akong masasaktan nun? Naisip mo bang malaki ang naging epekto nang trahedyang yun? Na hanggang ngayon may takot pa din akong nararamdaman? Naisip mo ba yun?" Hindi ko na namalayang lumandas ang aking luha. Napakurap kurap ako saka pinunasan ito.

"I'm sorry. I'm very very sorry. Hindi ko naisip na ganun ang magiging epekto nun. Natakot lang kasi akong makita mo ang video na yun. Mahal na mahal kasi kita.." Halos pumiyok ang kanyang boses sa huli niyang sinabi.

Sarkastiko akong natawa. "Bullshit!" Bulyaw ko. "stop with that crap. Dahil sa pagmamahal na nararamdaman mo sa akin, malaking trahedya ang nagawa nun. Dahil diyan sa lecheng pagmamahal mo sa akin, masama ang naging epekto nun. Kaya wag na wag mong sasabihing pagmamahal yang nararamdaman mo sa akin dahil hindi ganyan ang pagmamahal na alam ko. Maling pag-ibig na yang nararamdaman mo sa akin noon." Mahinahon ngunit mariin kong usal.

The CEO's Secretary [Published Under KPub PH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon