prologue

293 20 14
                                    

"Goodbye class" paalam ko sa mga estudyante ko

"Good bye and thankyou maam Astra" sabay sabay na paalam ng mga estudyante ko mula sa grade 7, ngumiti lamang ako sakanila at nag unahan nang lumabas nang classroom.

Naupo ako sa aking upuan at nag pahinga saglit, nang nakapag pahinga ay kinuha ko na ang aking foundation para mag retouch ng kaonti.

"Hello miss Astra" nakangiting dungaw ng kaibigan kong si Darlyn sa pintuan
"Tsk" Simpleng tugon ko sakanya.

Pumasok naman siya at naupo sa upuan sa harap ko

"Sungit mo naman" natatawa niyang sabi

"Saan ba tayo mag didinner?" simpleng tanong ko habang nag liligpit na ng gamit ko

"Diyan lang, somewhere down the road" mapang asar niyang sagot, bwisit talaga to kausap kahit kelan.

"Ay!nasabi ko na ba sayo?" excited niyang sabi, napalingon naman ako sakanya

"Ang alin?" nag tataka kong sabi

"Yung kabilang building, ung katabi nitong school, nabili ni mama, at ipaparenovate daw niya" pagpapaliwanag ni Darlyn, napatango naman ako

"Bakit ipaparenovate pa?okay naman na ata ah?"simple pa ring sabi ko

"Luh, bat ayaw mo , ikaw ba gagastos, kontrabida lang gorl?" mataray niyang sabi, napailing na lang ako

"Sinasabi ko lang, napaka ano mo talaga, bwisit ka!" naaasar kong sabi
Natawa naman sya

"Gagawin atang art class yung builiding, ayun gusto ni mama eh" simpleng sabi ni Darlyn

"Ah edi mabuti" simple ko ring sabi, lumingon sya sakin ng nakangisi

"Nasabi ko din ba sayo"  nakangisi pa rin niyang sabi, napalingon ako sakanya

"Ano na naman?napaka chismosa mo naman, ayan na ba talent mo ngayon?" natatawa kong sabi

"Magaling na engineer daw ang hahawak dun" nakangisi niyang sabi, napataas naman ako ng kilay

"Really?edi kung magaling siya, kahit siguro lumindol hindi yun magigiba?" mataray kong sabi, napatawa naman siya

"Ang bitter naman sa engineer siz" tumatawang sabi niya

"Nasabi ko din ba sayo?" Nakangisi pa ring sabi niya, bwisit na to pabitin pa, letse

"Ano na naman!letse ka, nag turo ka ba talaga!irereklamo talaga kita, sumagap ka lang ata ng chismis eh" naiinis kong sabi at tumayo na.

"Na ang engineer na hahawak sa building na yun ay ang ex mo" nakangising sabi niya, kaya napatigil ako sa ginagawa ko at tinignan siya ng matalim

"Tsk, hindi yan matibay,sabihin mo kay tita, kumuha ng ibang engineer." mataray kong sabi habang nakatayo

"Woah!ang pait naman!"mapang asar na sabi ni Darlyn, inirapan ko na lang sya

"Ano!dito na lang tayo, sasabihin mo na lang ba sakin lahat ng nasagap mong chismis?" mataray kong sabi, tumawa naman si Darlyn ,sabay tayo

"Eh bat ka nakikinig,tara na nga" natatawa niyang sabi , nauna pang lumabas,letseng to.

Sumunod na din ako. Ngunit hindi pa rin maalis sa isipan ko ang sinabi ni Darlyn. Napangiti ako ng hindi ko namamalayan, nag tataka namang tinignan ako ni Darlyn at napailing, tinaasan ko na lamang siya.

Alam ko at tiwala akong magagawa niya pa rin. Nagawa nga niya. He did.

You'll Never Walk AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon