4

79 12 5
                                    

Pag katapos nang kahindik hindik na tanghalian na yun, susme buti na lang natapos pa, akala ko hindi na ko makakaalis sa lamesang yun, si Darlyn kasi, kung ano anong sinasabi.

Pag tapos nang tanghalian, bumalik na si Gov sa office niya, habang si Darlyn at Lorenzo naman ay nanood ng tv sa sala, buti na lang kapag linis na ko dun, inaya ako ni Darlyn, ngunit tumanggi ako at sinabing may gagawin. May gagawin naman talaga ako nuh, eh, ano nga ulit ung gagawin ko, nawala na tuloy sa isip ko....ayun mag aayos nga pala kami ng mga halaman ni fin. Dumeretcho na ko sa garden, andun naman na si fin. Nag sisimula na siyang mag ayos.

"Fin"simpleng tawag ko habang papalapit sakanya. Lumingon naman siya sakin.

"Oh, halika na dito"aya niya sakin, tumulong naman ako sa pag aayos ng mga halaman, yung iba tinatanggal na namin yung mga nalanta at nasira na, tataniman naman namin ito ng bago.

"Bakit hindi mo inaya si Darlyn" tanong niya habang nag aayos

"Naku, senyorita yun"natatawang sabi ko

"Ha!sinisiraan mo pa ko ha!" Sabay kaming napalingon ni fin sa likod namin, at ayun nga si Darlyn nasa likod na namin.

"Hala!sira ba yun sa palagay mo?nag sasabi lang ako ng totoo" mapag panggap kong sabi at nag patuloy na sa ginagawa, tumawa naman si fin, nagpatuloy na din siya

"Sus, nabobored na ko frenny, tutulong ako jan" nag mamaktol na sabi ni Darlyn

"Talaga?o d sige halika dito, isubsob mo sa putik yang mukha, para naman MAALIW ka" may diin at mapang asar kong sabi

"Hala, ganun ba yun fin, sama talaga ng ugali nito kahit kelan" masamang tingin ni Darlyn sakin

Tumatawa naman si fin" kayong dalawa, hindi na kayo nakapag usap ng maayos, nag sisigawan pa kayo eh magkalapit lang naman kayo, wala na din kayong matinong napag uusapan, magkaibigan nga kayo"sabi ni fin habang tumatawa

"Eh pano fin, pasmado kasi bunganga nitong si Astra" mataray na sabi ni Darlyn

"Ha!bastos din kasi bunganga mo duh!" Irap ko, kahit hindi niya naman nakikita.

"Oh, tama na yan, halika dito Darlyn, turuan mo na ang kaibigan mo Astra" utos ni fin

"Oh, halika dito, nakikita mo tong lupa?"tanong ko kay Darlyn sabay turo nung lupa. Lumapit siya at tinignan yun

"Oh, tapos?" Seryosong tanong niya

"Wala lang, tinatanong ko lang" natatawa kong sabi, sinamaan niya naman ako ng tingin

"Oh, tignan mo fin, masama talaga ugali niya" iritadong sumbong ni Darlyn kay fin habang tinuturo ako.

"Astra, ayusin mo na, nang matapos na tayo dito, mukhang uulan pa naman" natatawang sabi ni fin, na nag angat ng tingin sa ulap.

"Oo na, eto na" natatawa kong sabi

"Umayos ka na nga Astra, tatawagin ko si lorenzo" may pag babanta niyang sabi, napalingon naman ako sakanya.

"Ano connect nun?bat napasok pinsan mo?" Nag tataka kong tanong, napairap naman siya

"Hala, anong pasok sinasabi mo jan?" Makahulugang sabi niya

"Luh, utak mo berde!" Sabi ko sabay irap sakanya.

"Hala, mag tigil na kayo jan, ayusin niyo na yan!"natatawa pa ring sabi ni fin, natawa din ako, pati si fin napapa hala na

Pag katapos noon , sineryoso na nga namin nila Darlyn ang pag aayos ng halaman. Totoong nakakalibang ang pag aayos ng halaman, kaya naman hindi namin namalayan ang oras,sinabihan kami  ni manang na mag meryenda na muna ngunit, sinabi naming tatapusin na lang muna namin iyon, dahil mukhang ngang uulan.

"Ayan, ang ganda ng kinalabasan" tuwang tuwang sabi ni Darlyn.

"Oo nga" pag sang ayon ko, saktong pag patak ng mga butil ng ulan

"Hala, buti na lang natapos natin, tara na pumasok na tayo" aya ni fin, tumakbo naman kami papasok sa loob, naabutan namin si Gov at lorenzo sa sala nanonood.

"Oh, umulan na?may bagyo nga raw ngayon" bungad samin ni Gov " mabuti at nalibang ka Darlyn"dugtong pa ni Gov

"Oo nga po titodad" nakangiting sabi ni Darlyn. Lumabas naman si manang mula sa kusina.

"O, hindi pa kayo nag meryenda, mag meryenda na kayo" bungad samin ni manang

"Hindi na po ako gutom manang" simple kong tugon  kay manang.

"Naku, ako gutom na" natatawang sabi ni fin "ikaw ba Darlyn?" Tanong ni fin kay darlyn at nilingon ito

"Nagugutom na nga din ako, hoy astra, bat d ka nagugutom, nalipasan ka na naman" masungit na sabi sakin ni Darlyn.

Hindi ko na lamang siya pinansin, at tumingin na lamang sa labas, tinitignan ang pag patak ng mga ulan sa lupa at mga halaman.

"Hoy!ang lalim na naman!" Bulong ni Darlyn na nasa tabi ko na, may hawak ding tinapay, inabot niya sakin ah isa.

"Hindi nga ako gutom" simpleng sabi ko, nang hindi tinatanggap ang tinapay,  napasulyap naman ako kay Gov na nonood, at kay lorenzo na nakatingin sakin, napaiwas naman ako ng tingin at binalik na lang ulit sa labas ang tingin.

"Hindi pwede, kahit ito lang kainin mo, nalipasan ka na naman,wag ka nang mag tangka pang tumanggi, mag aaway tayo" Pag babanta niya, umiling na lang ako at kinuha ang tinapay.

"Uuwi ka pa ba astra?"tanong ni Gov, kaya napalingon ako sakanya.

"Oo nga astra, ang lakas ng ulan oh,baka mapano ka pa sa daan" dugtong ni Darlyn.

"Ah, eh, papatilain ko na lang po" sagot ko naman.

"Pano kung hindi tumila, may bagyo"simpleng sabi ni lorenzo, nalipat naman sakanya ang tingin ko, sa tv na siya nakatingin ngayon. Hindi ko alam kung ano pang isasagot ko kaya nag iisip ako ng palusot ko.

"Naku!alam ko yang ganyang mukha mo astra, higee isip pa ng palusot!,titodad oh!wag nyo hayaang umuwi si astra, matigas po talaga ulo nito eh, mamaya mapano pa po siya, mag isa ka lang sa apartment mo" namamaktol na sabi ni Darlyn.

"Titigil din.......na...man po ata" nauutal ko sabi nang napasulyap ako kay lorenzo na mariing nakitingin sakin

"Tsk, tigas ng ulo" iritado niyang sabi sabay iwas ng tingin

"Dito ka na matulog astra, wag nang matigas ang ulo, pupunta ka din naman dito bukas eh, kaya wag ka na umuwi. Bukas na lang" may awtoridad na sabi ni Gov, napatango na lamang ako

"Yeheeey" masiglang sabi ni Darlyn kaya nilingon siya, nakangisi naman siya sakin, hindi ko alam kung ako lang ba nakapansin na may kakaiba sa ngisi niya na yun, parang may ibang ibig sabihin iyon, na kaming dalawa lang nakakaintindi.

You'll Never Walk AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon