"Saan ba tayo kakain Darlyn?"tanong ko nang makalabas kami nang room ni darlyn
"San mo ba gusto?" Tanong niya
"Sapakin kita jan eh, pa somewhere down the road ka pa kanina" naiinis kong tugon
"Fastfood na lang" tugon niya
Nag tungo kami sa may pinakamalapit na fasfood at omorder na
"Kumusta sila tita" tanong ko sakanya habang kumakain kami
"Ayos lang, so ayun nga, si lorenzo nga ang engineer na hahawak sa katabing builiding nang school natin, architect si mark" nakangisi niyang sambit
"Edi tuwang tuwa ka niyan dahil si mark ang architect" umiirap kong sabi
" eh bat ang bitter mo sa engineer, simula ata nung dumating tayo hindi pa kayo nag uusap" sambit niya
" halos mag tatalong linggo palang naman tayo dito pilipinas ang OA mo" sambit ko
"Ah so gusto mo siya makausap?" Mapang asar niyang sambit
"Hindi na nuh, mamaya awayin pa ko nang asawa niya" umiirap kong sabi
"Ah, hindi mo na mahal?" Nakangisi niyang tanong
"Bat mo ko tinatanong nang ganyan, kumain ka na lang, baka mabulunan ka" naiinis kong sabi
"Ah, mahal pa" tumatango tango pa niyang sambit
"King ina mo ka" nakasimangot kong sabi, tinawanan niya lamang ako,
"Hala si andrew, hindi natin sinama" gulat kong sabi
"Gagi, may lakad si bakla" simple niyang sabi, nag kwekwentuhan kami ni Darlyn, nag matanaw ko si mark na pumasok
"Si mark" sambit ko sabay turo, tinignan naman iyon ni Darlyn
"Mark!" Tawag niya, sumilay naman ang ngiti ni mark nang makita kami
"Hi" bati niya samin
"Wala kang kasama?arat dito, hindi pa naman kami tapos kumain" aya ni Darlyn, ngumisi si mark
"Sure" agap ni mark
"Order lang ako" simple niyang sabi, bumalik din namang agad si mark, naupo siya sa tabi ni darlyn at nilapag ang inorder
"Gutom na gutom mark!ang dami mo namang inorder !" Gulat kong sabi
Ngumisi si mark " actually, may...kasamaa ko, oh ayan na pala, martin" tawag ni mark, nagulat kaming pareho ni Darlyn, nag katinginan kami, naramdaman ko namang lumapit si lorenzo.
"Ay lorenzo, bat ka andito" bungad ni Darlyn, tinaasan siya nang kilay ni lorenzo, napalunok ako, at muling gumuhit ang kaba sa akin
"Bawal?" Nakataasa ang kilay na sambit ni lorenzo
"Hehehe hindi naman" kunwaring natatawang sabi ni Darlyn
"Upo na martin" nakangising sabi ni mark, napalingon ako sa bakanteng upuan na nasa tabi ko, shemays, wag kang tatabi pls.
"Ay, dito ka na lang sa tabi ni mark, sa tabi na ko ni astra" nagmamadaling lumipat si darlyn, medyo nakahinga ako nang maluwag. Ganyan nga Darlyn, letse ka, inaya mo pa kasi tong si mark
Muling tinaasan ni lorenzo nang kilay si Darlyn, sumulyap siya sakin, bago naupo sa harap ko, binalik ko naman sa pag kain ko ang tingin.
"So kumusta ang work?" Nakangising sambit ni mark
"Okay lang naman yung work" natatawang tugon ni Darlyn
"I mean kayo" balik ni mark
"Ayos lang, bat dito kayo kumakain, eh ang laki nang mga kinikita nyo tapos dito lang kayo,nag titipid ba?pambabae?" Mapang asar na sabi ni Darlyn, potek eto na naman si babae oh, tumawa ulit si mark
BINABASA MO ANG
You'll Never Walk Alone
RomanceNatutong umibig ng buo kahit masakit, May mga bagay na kailangan bitawan kahit masakit. May mga may bagay na dapat isakripisyo kahit hindi mo kaya. May mga bagay na makakamtam mo rin sa tamang panahon at pagkakataon. Mga luhang pilit mong tinatago...