Naging busy muli ang mga istudyante dahil exam na next week. Kaya naman todo review na ang lahat.Sabay pa rin naman kaming palagi ni Darlyn mag aral, puspusan nga lang ngayon, lalo na dean lister kaming pareho ni Darlyn, pati din sila lorenzo at mark ay puspusan din ang review, dean lister din sila, sabay din silang nag rereview kahit na mag kaiba sila nang course. Hindi na muna ako papasok sa trabaho ko, dahil nga malapit na ang exam. Kailangan namin makapasa ni Darlyn, dahil kapag naka pasa ka, may chance kaming sa ibang bansa mag ojt
Magkasama kami ngayon ni Darlyn sa library, nang maramdaman ko ang cellphone ko na nag vivibrate, kinuha ko ito. Si lorenzo tumatawag
"Hello" simple kong sagot
"Kita tayo mamaya love" malambing niyang sabi
"Bakit?hindi ka ba nag rereview?" Tanong ko
"Tapos na, naiistress na nga ako, kailangan kita makita eh, para matanggal stress ko" malambing niyang sabi, napatawa naman ako
"Aww kawawa naman ang love ko, sige, saan ba?" Natatawa ko pa ring tanong
"Sm tayo, sine"malambing niyang sabi
"Sige anong oras" tanong kong muli,
"Ngayon na,may ginagawa ka ba?"tanong niya
"Hmm. Tapos naman na din, sa sm na lang tayo mag kita seeya there" malambing kong sabi
"Okay love, bye I love you" malambing niyang sabi
"I love you too" pabulong kong sabi
Pinatay ko na at binaba angcellphone
" Darlyn, aalis kami ni lorenzo, sama ka?" Tanong ko kay Darlyn habang nag liligpit
"Duh, edi umalis kayo, isasama mo pa ko, ano third wheel nyo" umiirap na sabi ni darlyn
"Edi wag" mataray kong sabi
" sige na, umalis ka na nga!" Masungit niyang sabi
"Okay bye bye, mwaps" sabi ko at nag madali nang umalis
Habang naglalakad ako papasok nang sm tinext ako ni Lorenzo na nasa tapat daw siya nang hyper
Nagtungo naman ako doon, at nakita ko siyang prenteng naka tayo.
"Arat na!"aya ko nang makalapit, umayos siya nang tayo at hinalikan ako sa noo.
"Bili muna tayo nang kakainin, dito na lang" turo niya sa hyper at hinawakan ang kamay ko
"Sige, tara na" sabi ko, pumasok naman na kami, at nag hanap nang mga chitchirya
"Ate astra" lumingon ako sa tumawag sakin,
"Sky!" Gulat kong sabi, at nag yakapan kami
"Kumusta ate" nakangiting tanong ni sky
"Ayos lang, ikaw?si mama?" Tanong ko din
"Ayos lang kami ni mama, alam mo naman wala kaming choice kundi sundin ang nais ni papa" natatawa niyang sabi, salungat kami ni sky, hindi niya kayang suwayin si papa kaya gustong gusto siya ni papa, lahat nang gusto niya nakukuha niya, ngunit kapalit nun ang pag sunod niya kay papa.
"Bibisita ako kapag wala si papa,pasensya na hindi ko kayo matawagan baka kasi si papa ang sumagot eh" malungkot kong sabi
"Ayos lang ate, sinong kasama mo dito" tanong niya habang lumilinga linga nasa tabi ko lang si lorenzo
"Ah...hmm.si lorenzo, boyfriend ko" medyo naiilang kong pag papakilala kay lorenzo
"Lorenzo" simpleng sabi ni lorenzo sabay lahad nang kamay, halatang nagulat si sky, tinanggap naman niya ang kamay ni lorenzo
BINABASA MO ANG
You'll Never Walk Alone
RomanceNatutong umibig ng buo kahit masakit, May mga bagay na kailangan bitawan kahit masakit. May mga may bagay na dapat isakripisyo kahit hindi mo kaya. May mga bagay na makakamtam mo rin sa tamang panahon at pagkakataon. Mga luhang pilit mong tinatago...