Limang buwan nang wala si Darlyn sa pilipinas, pag katapos naming mag usap noon ay agad din niyang inasikaso ang pag alis niya, ayon sakanya nag paalam daw siya sa parents niya, kaya hindi na din namin siya pinigilan. Walang ibang nakaalam nang pag alis niya kundi kami lang ni andrew at nang parents niya.
Hindi namin sinabi kay lorenzo dahil tyak sasabihin niya kay mark.Hindi din nag kwento si Darlyn kung ano ba talaga ang nangyare kung bakit niya naisipang umalis. Hinanap siya samin ni mark, inamin namin ang pag alis ni darlyn, ngunit wala na si darlyn dito, kaya wala naman na din siyang nagawa. Ngunit hindi tumitigil si vexen sa pag punta sa opisina nila lorenzo. Malapit na din matapos yung building. Tatlo buwan na lang ay tapos na
Nag patuloy ang mga araw, ang mga araw na naging linggo, linggo na naging buwan, nag patuloy kami sa pag tatrabaho, habang inaasikaso namin ni lorenzo ang kasal namin. Ayun ang pinag kaabalahan namin.
Kakauwi lang namin ni andrew galing trabaho, nag hahanda na siya nang hapunan namin nang tumawag si darlyn sa skype.
"Darlyn!" Bungad ko nang magpakita siya sa screen nang laptop ko
"Siiiiz" sigaw naman ni andrew habang nag hahain nang pagkain, nakaupo na ako sa dining area.
"Kumusta ka jan?" Tanong ko
"Maayos?" Patanong niyang sambit
"Ay di mo sure ateng?" Natatawang tanong ni andrew
"Gusto mo makasagap nang chika dito?" Biro ko
"No thanks, hindi ko need" umiirap niyang sambit, tumawa kami ni andrew
"Astraaa, omygosh!" Natatarantang sambit ni andrew kaya napatingin ko sakanya
"Bakit?" Nag tataka kong tanong, tumingin siya sa salamin bago sakin
"May tigyawat ako tatlo paaa, omg!anong gagawin ko"naiiyak niyang sambit , napairap na lamang ako
"Putcha andrew, ayan lang problema mo?yung iba nga jan, kakainin ang prinoproblema, ikaw tigyawat lang, mawawala din yan!" Sambit ni darlyn
"Eh kasi siz, yung makinis kong mukha, waah, I kennat, ayaw ko mag katigyawat siz" naiiyak pa ring sambit ni andrew
"Hindi mo ikakamatay yan, kahit hindi yan maalis, mabubuhay ka pa rin" umiirap na sambit ni Darlyn
"Mawawala din yan, haayan mo lang" sambit ko. Sumimangot siya samin at nag pa tuloy na sa ginagawa.
"Oh, kayo kumusta kayo? Ang kasal nyo ni lorenzo, next month na?" Tanong ni Darlyn
"Ayos lang, oo , konti na lang at ready na, umuwi ka letse ka!pag hindi ka dumating sinasabi ko sayo!" May pag babanta kong sabi
"Uuwi nga ako, promise" natatawa niyang sambit
"Aba dapat lang, katok ka sakin!" Sambit ko
"Oo nga, ang kulit naman" natatawa niya ulit na sambit
"Ano paalam mo kila tita?" Tanong ni andrew
"Mag babakasyon" simple niyang sagot
"Ay wow, porke may pera ayos lang mag resign sa trabaho, makapag bakasyon lang, tagal nang bakasyon mo ah, halos mag sisix months" natataqang biro ni andrew
"Wag kang kontrabida, gusto mo din ba?" Biro naman ni Darlyn
"Mas bet ko mag work duh" sambit naman ni andrew
"Mag wowork din ako pag uwi ko" sambit ni darlyn
"So hindi ka na babalik jan pag uwi mo dito?" Tanong ko
BINABASA MO ANG
You'll Never Walk Alone
RomanceNatutong umibig ng buo kahit masakit, May mga bagay na kailangan bitawan kahit masakit. May mga may bagay na dapat isakripisyo kahit hindi mo kaya. May mga bagay na makakamtam mo rin sa tamang panahon at pagkakataon. Mga luhang pilit mong tinatago...