Mag isa ako ngayon dito sa library , umalis saglit si Darlyn dahil may nakalimutan daw siya sa locker niya, ako lang at yung bantay ang tao dito , ewan ko ba bat walang istudyante ngayon dito sa library.
May research kasi kami, as usual isa na naman sa kagrupo ko so Darlyn, sawang sawa na nga ako sa pag mumukha ni Darlyn eh, Tumayo ako para maghanap nang libro na makakatulog samin.
Lumapit ako sa mga book shelf, at masuyod na nag hahanap. May nakita ako, palagay ko ay makakatulog ito samin ngunit ang masaklap na katotohanan ay medyo mataas ito at hindi ko maabot, hindi ko alam kung kanino ako hihingi nang tulong, letse naman kasi si Darlyn, napaka tagal, kinain na ata nang locker room.
Tumingkayad ako para abutin ang libro, pero hindi ko pa rin maabot, pinilit ko itong abutin, ngunit napasaere ang mga kamay ko nang may umabot nito, anak ka nang, may mang aagaw pa, kaya humarap ako. Gumuhit ang gulat sa aking mukha nang masilayan ang mga maamong mata ni lorenzo na nakatingin sakin.
Shemaaays, sobrang lapit niyaaa, bale mag kaharap kami, napasandal ako sa bookshelf, habang ang isa niyang kamay ay nakataas at nakasandal na din sa bookshelf ang isa naman niyang kamay ay hawak ang libro.
"A...anong ginagawa mo dito?"medyo naiilang kong sabi, ngumiti muna siya bago sumagot
"Pinupuntahan ka" malambing niyang sabi habang nakatingin pa rin sakin
"Ah, wala ka nang klase?" Tanong ko ulit nang hindi rin inaalis ang tingin
"Wala na" malambing pa rin niyang sabi, sabay lahad nang libro sakin, tinanggap ko iyon, ngunit hindi pa rin kami umaalis sa pwesto namin
"Ah, thanks"nakangiti kong sabi, tukoy ko sa libro, inilagay na niya sa bulsa niya ang kamay niya habang nanatiling nakasandal sa bookshelf ang isa.
"Kumain ka na?"malambing pa rin niyang tanong
"Hindi pa, tatapusin na muna namin ito ni Darlyn" nakangiti kong sabi, duh,shemays kinakabahan akoooooo
"Asan si Darlyn" tanong niya
"May kinuha sa locker" simple kong sagot
"Kumain tayo, pag tapos nyo"malambing niyang sabi, hindi pa rin nag babago ang posisyon namin, gayundin ang mga titigan namin.
"Hoy, ano yaaan!live porn!grabee, wag ditooooo sa library!" Kahit hindi ko lingunin alam kong boses yun ni Darlyn.
Sabay naming nilingon si Darlyn "tara upo tayo" aya ko kay lorenzo, naupo naman na din si Darlyn
"Bat ang tagal mo"reklamo ko, tumawa ulit si Darlyn
"Ay weh, kunwari pang nag rereklamo, baka nga nag papasalamat ka nang palihim sakin eh, your welcome astra" mapang asar na sabi ni Darlyn
"Edi wow Darlyn" umiirap kong sabi
"Tanghaling tapat nanliligaw si loverboy" mapang asar na sabi ni Darlyn kay lorenzo
"Asan ba si mark" nakangisi kong tanong sabay sulyap kay Darlyn
"Yow, yow!"nakangiting bungad ni mark, sabay upo sa tabi ni Darlyn
"Hinahanap ka ni Darlyn" biro ni lorenzo, sinamaan naman siya nang tingin ni Darlyn
"Ay miss mo ko agad, bat mo ko hinahanap babe?"nakangising sabi ni mark sabay tingin kay Darlyn
"Duh!bat naman kita hahanapin, tska stop calling me babe, I'm not your babe anymore" umiirap na sabi ni Darlyn
Ay wow, confirm so may past nga sila, king inang yaaan! Tinignan ko si Darlyn, napasulyap naman siya sakin, tinaasan ko siya nang kilay at ginawaran ko siya nang mataray na tingin
BINABASA MO ANG
You'll Never Walk Alone
RomanceNatutong umibig ng buo kahit masakit, May mga bagay na kailangan bitawan kahit masakit. May mga may bagay na dapat isakripisyo kahit hindi mo kaya. May mga bagay na makakamtam mo rin sa tamang panahon at pagkakataon. Mga luhang pilit mong tinatago...