Nag papalipas kami nang oras ni Darlyn dito sa ilalim nang puno habang kumakain siya nang ice cream, ako naman ay chocolate.
"Ang panget mo naman kumain nang ice cream" nandidiri kong sabi tumutulo na kasi sa kamay niya
"Eh ang bilis malusaw eh, ano gagawin ko"mataray niyang sabi
"Eh bat kasi yan binili mo" nandidiri ko pa ring sabi
"Eh bat ka ba nangengealam, eto gusto ko, pinapakialamanan ba kita sa chocolate mo" mataray pa rin niyang sabi.
"Wow ice cream" kahit hindi namin makita yung nag salita, alam naming si mark yun
"Oh inggit ka?" Mataray na sabi ni Darlyn nang makalapit si mark at lorenzo
"Bakit ka nag chochocolate?"tanong sakin ni lorenzo
"Eh, bakit?bawal ba?"masungit kong sabi
"Oh, bat ka nag susungit?" Balik naman niyang sabi, inismiran ko na lamang siya, naupo naman sila ni mark sa tabi namin ni Darlyn
"Ang panget mo kumain darlyn" nandidiri ko ulit na sabi
"Sapakin kita jan astra eh, ang arte mo, ganda ka ba!?" masungit niyang sabi, napansin ko naman ang pag tataka sa mukha ni mark at lorenzo
"Eh ikaw maganda ka ba ha!" Mataray ko ding sabi.
Kapiraso na lamang ang chocolate ko , hawak ito nang hinalalaki at hintuturo ko, medyo nalulusaw na ito dahil nga mainit. Akma ko na itong isusubo nang unahan ako ni lorenzo, napalingon ako sakanya. Nakangisi siyang nakatitig sakin, akma ko ulit sanang ibaba ang daliri ko nang dilaan niya ang mga natitirang chocolate dun. Gumuhit ang sobrang gulat sa aking mukha
"Ang bagal mo kasi love , nalulusaw na" nakangisi niyang sabi, tulala pa rin ako
"Yak, ang dugyot mo lorenzo!" Rinig kong sabi ni Darlyn
"Nyaaaaa, ang wild naman Martin" natatawang sabi ni mark
"Waah, ang dugyot mo lorenzoooooo!" Nandidiri kong sabi nang makabawi sa pag kakagulat
"Dugyot pa nga tol" natatawa ulit na sabi ni mark
"Hala, Darlyn, penge ngang alcohol, kadiri laway mo" naiirita kong sabi kay lorenzo at tinignan siya nang masama
"Para namang hindi pa tayo nag halikan love" natatawa niyang sabi
"Ay wews speed naman , nakahalik na nga" biro ni mark
"Ay bakit mark, hindi ka pa ba nakakahalik, darlyn paisa daw" biro ni lorenzo
"Ang dugyot nyong dalawa, umalis na nga kayo dito" masungit na sabi ni Darlyn
"Luh bat ba ang sungit nyo?" Nag tatakang tanong ni mark
"Bat kayo galit?" Tanong din ni lorenzo
Sa hindi inaasahan si mark naman ngayon ang dumila sa ice cream ni Darlyn
"Ang baboy mo mark!kadiri kaaaaaa" galit na sabi ni Darlyn
"Gusto ko lang naman tikman" natatawang sabi ni mark
"Sira ulo ka!edi bumili ka nang iyo!bat ba ang dugyot nyo" galit ulit na sabi ni Darlyn
"Tara darlyn mag hugas tayo dalin mo alcohol mo" aya ko kay Darlyn at tumayo na ko
"Gunggong ka, oh ayan sayo na yan!ayaw ko na niyan" galit na sabi ni Darlyn sabay abot nung ice cream kay mark, kinuha naman ito ni mark.
"Luh, bat sila galit?" Rinig kong sabi ni mark, habang paalis kami doon ni Darlyn, rinig ko namang tumawa si lorenzo
BINABASA MO ANG
You'll Never Walk Alone
RomanceNatutong umibig ng buo kahit masakit, May mga bagay na kailangan bitawan kahit masakit. May mga may bagay na dapat isakripisyo kahit hindi mo kaya. May mga bagay na makakamtam mo rin sa tamang panahon at pagkakataon. Mga luhang pilit mong tinatago...