1

139 11 3
                                    

Naglalakad na ako papasok ng school, nang hindi inaasahang matanaw ako ng aking kaibigan na si Darlyn.

"Astraaaaaa!" Maligayang sigaw ni dalryn habang tumatakbo patungo sakin, napailing naman ako.

"Ang ingay mo, bat ka ba sumisigaw?" Bulong ko nang makalapit siya sakin. Tumawa lang siya at sinukbit ang kayang kamay sa aking braso.

"Eh bat bumubulong ka?" Bulong din niya sakin, habang nag lalakad kami papasok ng school

"Alam mo, hindi ko maintindihan dito sa  school na pinapasukan natin , nag papagawa pa ng visual eh naka projector naman, katamad kaya gumawa" reklamo niya

"Ang sabihin mo, tamad ka talaga" simpleng sagot ko sakanya.

"Ay weh!bakit tapos mo na ba yung sayo ha!" Medyo pasigaw niyang sabi

"Oo" simpleng sagot ko, nilingon niya ako ng mat gulat sa mukha

"O!edi ikaw na, ikaw na ang masipag!tsk, tsk," nag mamaktol niyang sabi.

Pag karating namin ng room, naupo na agad kami ni darlyn, magkatabi pa rin kami sa upuan.

Hindi publiko ang pinag aaralan namin ni Darlyn, isa itong maganda at masasabi kong maayos ang turo dito, lahat ng estudyante ay pangarap na dito makapag kolehiyo, ngunit hindi lahat ng nag aaral dito ay mayayaman, ang iba ay iskolar ng paaralan o kaya ng mga pulitiko, at isa ako sa mga yun, hindi ako mayaman, ngunit kaya ako nakapasok dito ay dahil iskolar ako ng paaralan at ng isang politiko, ang gobernador ng aming lugar,  at isa ako  sa tinutulungan niyang makapag aral sa magandang paaralan na yun.

Nasa huling taon na kami ni darlyn sa kolehiyo, education ang kurso namin. At plano namin na mag turo sa mga pampublikong paaralan. Si Darlyn ay apat na taon ko na ring kaibigan, siya ang may kaya saming dalawa. Dahil maraming business ang mga magulang niya.

Kahit na iskolar ako, nag tratrabaho pa rin ako, pang dagdag gastos, ayaw kong iasa ang iba kong pangangailangan sa magulang ko, gayung pinag aarala din nila ang bunso kong kapatid.

"Hoy!ang lalim naman ng iniisip mo, hindi ko mahukay!" Sigaw ni Darlyn habang tinatapik ang balikat ko, napalingon ako sakanya

"Ano ba!" Pabalik kong sigaw

"Ha!anong ano ba! Tapos na klase natin, ano g?" Nakangiti niyang tanong, napakunot naman ako ng noo

"Anong g?" Nagtataka kong sabi

"Duh!gala us" mataray niyang sabi"sige na arat na, sumama ka na" pag kukumbinsi niya sakin

"Hindi ako pwede, busy ako" simpleng sagot ko

"Luh!oo nga naman pala, ikaw nga pala si Astra, napakadaming ginawa" nag tatampo niyang sabi

Luh!oo nga pala, ikaw nga pala si Darlyn, walang ginagawa" pang gagaya ko sakanya, nilingon naman niya ako at sinamaan ng tingin."mabuti pa, umuwi ka na, tapusin mo na yung visual mo , bukas na deadline nun" pangangaral ko sakanya,

"Oo na po maam" sabi niya ng may kasamang irap.

Tumayo na ko pag ka ligpit ko ng gamit.

"Tara na, baka malate ako" sambit ko sakanya, tamad naman siyang tumayo at sumunod sakin.

Nang makalabas kami ng school, sakto andun na din ang sundo niya.

"Mag lalakad ka lang?" Tanong niya

"Oo malapit lang naman" simpleng sagot

"Wow naman!hiyang hiya naman ako sa malapit mo, napakalayo kaya nun" maarte niyang sabi

"Eh bat ka ba nag rereklamo, pinag lalakad ba kita papunta dun ha!" Reklamo ko sakanya

"What ever astra, halika na hatid na kita!" Maarte pa rin niyang sabi, umiling ako

"Hindi na, excercise din to" natatawa kong sabi. Napairap naman sya

"Grabe ka naman mag exercise, alas dose talaga ng tanghali!" Iritado niyang sabi

Luh,umuwi ka na nga!bala ka jan,mag kita na lang tayo bukas!" Paalam ko sabag alis, narining kong tinawag niya ko pero hindi ko na siya pinansin.

You'll Never Walk AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon