Patungo na kami sa restaurant na sinabi ni lorenzo, andun na daw si Gov at tita hilda.
Pag kapasok namin nang resturant ay agad naming nakita na nakaupo na sila Gov. Lumapit kami, nag mano ako sakanilang dalawa habang humalik naman si lorenzo, naupo na rin kami
"Pasensya na po, medyo late sila mama" sambit ko
"Ayos lang astra" sambit ni Gov, ilang saglit pa ay dumating na din sila papa.
"Pasensya na balae , inabutan kami nang traffic" sambit ni papa, luh, ang excited naman balae agad,tumayo si gov at nag kamayan sila ni papa, ganun din si tita hilda at mama. Humalik ako sakanila, at si lorenzo naman ngayon ang nagmano
"Walang problema, maupo kayo" sambit ni tita hilda, naupo na nga kami.
"Mabuti pa ay pag usapan na natin ang kasalang magaganap" nakangiting sambit ni Gov
"Bago muna yan Gov, alam kong tapos na ito, ngunit gusto ko sanang humingi muli nang patawad sainyo at kay lorenzo" sambit ni papa
"Ayos na po iyon tito" magalang na sambit ni lorenzo
"Tapos na yun balae, wag mo na akong tawaging Gov, retired na ako jan" natatawa namang sambit ni Gov
"Wag na natin balikan pa iyan, mabuti pa ay sa kasalukuyan na lamang tayo tumingin"sambit ni tita hilda
"Sang ayon ako sa sinabi ni balae" nakangiti ding sambit ni mama
"So wala naman na tayong problema, kaya tuloy na ang kasal" natatawa muling sambit ni Gov
"Kelan nyo ba nais mag pakasal?" Tanong ni mama, nag katinginan kami ni lorenzo, bago ko sinulyapan si mama
"Ahm.wala pa po talaga kaming na pag uusapan ni lorenzo, ngunit ayos lang po sa akin kahit simpleng kasal lang po" tugon ko
"No darling, kailangan pag handaan nyo ito ni lorenzo, kailangan matupad ang dream wedding nyo, isang beses lang ang kasal, hindi ako sasang ayon sa nais mo" sambit ni tita hilda, ay sige po kayo na lang po kaya mag pakasal, marunong pa sakin tong si tita weh
"Tama ang sinabi nang tita hilda mo anak, gawin mo ang dream wedding mo" nakangiting sambit ni mama
"Sang ayon rin ako sa sinabi ni hilda, ngunit kung simple lang ang nais nyo ay susuportahan namin" tugon ni Gov, lumingon ako kay lorenzo, ngumiti siya sa akin
"Aayusin mo namin ang kasal pag katapos po nang pag uusap natin, ibibigay ko po ang dream wedding ni astra" nakangiti ni sambit ni lorenzo
"Osige, mabuti kung ganun, marami akong kakilala na wedding organizer, sige astra anak, gawin mo na ang dream wedding mo, wag ka nang mahiya" sambit ni papa, ngumiti ako at tumango, tama sila.
"Ano bang nais nyo?san kayo ikakasal?" Tanong ni Gov
"Sa simbahan po" tugon ko
"Saan ang honeymoon?"ngisi nang mama ni lorenzo, peke kaming napaubo ni lorenzo, tumawa si papa at Gov pati si mama
"Nag kakahiyaan pa kayo" tawang sambit ni Gov
"Hindi pa din po namin napag usapan" nahihiyang sambit ni lorenzo
"Naku, lorenzo, galingan mo ah, shoot agad" tumatawang sambit ni papa, putcha!anong shoot, potek nakakahiya! Umubo ulit si lorenzo habang ako ay gulat na lumingon kay papa
"Paaaa" nahihiya kong tawag
"Naku, naprepressure sila, wag kayong ganyan, hindi pa man kasal eh" natatawa ding sambit ni mama
"Magaling tong anak ko, pag uwi galing honeymoon, tatlo na sila" biro ni Gov, si lorenzo naman ngayon ang gulat na lumingon kay Gov
"Papa" tawag niya din
BINABASA MO ANG
You'll Never Walk Alone
RomantikNatutong umibig ng buo kahit masakit, May mga bagay na kailangan bitawan kahit masakit. May mga may bagay na dapat isakripisyo kahit hindi mo kaya. May mga bagay na makakamtam mo rin sa tamang panahon at pagkakataon. Mga luhang pilit mong tinatago...