Nakangiti kaming bumalik sa sasakyan niya, alas dies na nang gabi, hindi na namin namalayan pa ang mga oras. Sa apartment na ako nag pahatid. Babalik na lamang ako bukas.
"Hmm..lorenzo" nakangiti kong sabi, sinalubong niya ang mga tingin ko
" yes love?" Nakangisi niyang sabi, napakagat naman ako sa labi ko,
"Hmm, salamat" nakangiti kong sabi
"Walang anuman, basta ikaw, salamat din" nakangiti niyang sabi
"Mag kita na lang tayo bukas" simple kong sabi, bubuksan ko na sana ang pinto nang kotse nang muli niya akong tawagin
"Astra"malambing na tawag niya, liningon ko siya,muling nag tama ang mga tingin namin
"Hindi kita minamadali , ngunit nais ko lang malaman kung ano na tayo ngayon?" Malambing niya sabi , ngumiti ako sakanya
"Tayo na lorenzo" nakangiti kong sabi. Sumilay ang mga matatamis niyang ngiti sa kanyang labi.
"Talaga astra?" Masaya niyang sambit
Tumango ako bago muling sumagot "oo"
Hinigit niya ako at niyakap nang mahigpit
"Salamat astra,hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon" malambing niyang bulong sakin
"Masaya din ako lorenzo" malambing ko ding sabi.
Pag katapos nun ay pumasok na ako sa apartment ko. Ngunit bago ako muling makatulog ay naisip kong muli ang mga naganap ngayon. Masaya ako sa aking naging desisyon at nasisiguro kong hindi ko ito pag sisisihan.
Tumunog ang cellphone ko kaya naputol ako sa pag iisip.
"Can I call?" Text ni lorenzo. Napangiti ako
"Okay" simple kong reply
Ilang sandali pa ay tumunog na ito. Medyo nakaramdam ako nang kaba, ito kasi ang unang pag kakataon na may tatawag sakin na lalaki
Sinagot ko ito.
"Hello" malambing na sambit ni lorenzo, muling sumilay ang mga ngiti ko sa labi, hindi na ata mawawala ito
"Hi" simpleng kong sagot
"Inaantok ka na?" Malambing pa rin ang mga boses niyang tanong sakin
"Ah, hindi nga ako makatulog" nakangiti kong sabi, kahit naman hindi niya nakikita ang mga ngiti ko.
"Ako din" sagot niya shemaays, nakakakilig yung boses niyaaaaaaaaa
"Ah, bakit?"malambing kong sabi, ang landi mo astraaaaa
"Iniisip kita, namimis na agad kita, gusto agad kitang makita" malambing niyang sabi, napakagat naman ako sa labi ko at pilit na tinago ang kilig at nag pagulong gulong ako sa aking higaan
"Ah....ako rin" kinikilig kong sambit
"Talaga?" Nahihimigan ko ang saya sa pag kakatanong niya sakin
"Oo" malambing kong sabi
"Mag kita na tayo" biro niya, tumawa ako
"Bukas na, matulog na tayo" natatawa kong sabi
"Mas lalo ata akong hindi makakatulog nito" pabiro niya muling sabi
"Sige na, matulog na tayo" natatawa ko muling sambit
"Sige na nga, Good night" malambing niyang sabi
"Good night din" balik ko
Ngunit hindi pa namin pinapatay ang tawag
BINABASA MO ANG
You'll Never Walk Alone
RomanceNatutong umibig ng buo kahit masakit, May mga bagay na kailangan bitawan kahit masakit. May mga may bagay na dapat isakripisyo kahit hindi mo kaya. May mga bagay na makakamtam mo rin sa tamang panahon at pagkakataon. Mga luhang pilit mong tinatago...