24

27 4 6
                                    

Pag karating namin nang parking lot ni Darlyn ay agad kaming sumakay sa kotse niya.

"Naku, gustong gusto ka nang sabunutan agad yung bruha mong kapatid eh" nang gigigil na sambit niya

"Hayaan mo na lang siya, ayaw ko nang gulo" sambit ko

"Huh, ako!gusto ko nang gulo, letse siya, akala mo maganda eh wala pa nga sa talampakan ko ang ganda niya" maarte niyang sambit

"Hindi ko na nga pinapatulan, mamaya mag sumbong pa kay papa yun eh" sambit kong muli

"Huh!mag sumbong siya, tutal eh sumbungera naman siya, tska duh mag sama pa sila nang tatay mo wala akong pake" galit niya muling sambit

"Galit na galit?" Biro ko

"Nakaka highblood naman kasi ang sky na yan!sky pa man pangalan pang langit pero ang mukha at ugali susme halatang close friend si satanas!" Galit niya ulit na sambit

"Hoy, bunganga mo naman, tara na nga" natatawa kong sambit

Nag simula na siyang mag drive

"Ay nga pala, san naman punta nyo ni lorenzo?" Tanong niya

"May lakad ba kami?" Inosente kong sambit, ngumisi siya

"Ay wag ako, hindi naman ako bingi astra!" Ngisi niyang sambit

"Nasa condo na ba si andrew?" Pag iiba ko sa usapan

"Oo ata, natatae ata kanina, nag madaling umuwi" natatawa niyang sambit

"Putcha, may cr naman sa school" biro ko

"Maarte ang bakla, namamahay daw puwet niya" natatawang sambit ni Darlyn.

Andito na nga sa condo si andrew , prenteng nakaupo sa sofa habang nag cecelphone

"Oh ano nakatae ka ba nang maayos?" Bungad ni Darlyn

"Ay mga bebes, bat ngayon lang kayo?" Nakangiting sambit niya samin

"Eh kinausap...ay oo nga pala, nakausap mo ba?" Baling na tanong ni Darlyn

"Oo" simple kong sagot at naupo sa tabi ni andrew

"Ay dedma ako?" Nag tatampong sambit ni andrew

"Kinausap nga niya si mang kano,si jose kasi d pumapasok" sambit ni Darlyn

"Ahhh kkk. Kumain na ba kayo?"tanong ni andrew

"Medyo" matamlay kong sagot

"Ay wews may medyo?bat ang tamlay mo astra?"tanong ulit ni andrew

"Ay naku, bakla, madami akong chika, nakita namin ang bruhang kapatid ni astra" sambit ni Darlyn at naupo rin sa tabi ni andrew, bale nasa gitna namin si andrew

"Ay true ba?yung asawa ni lorenzo?ay naku sana ay andun ako, sinabutan ko yun agad" natatawang sabi ni andrew

"True, sasabunutan ko din sana, pero dahil maganda ko d ko na tinuloy, pero nagtarayan kami siz" kwento ni Darlyn

"Ay dapat lang, tinaasan mo ba nang kilay?nilait mo ba?" Tanong naman ni andrew

"Tinaasan ko nang kilay siz, may head to foot pa, kaso hindi ko muna nilait, baka madepress na eh, maisipan biglang mag pakamatay" natatawang sambit ni Darlyn, tumawa din ai andrew

"Gaga, dapat ay hindi mo na pinatulan kanina" sambit ko

"Ay I kennat astra!likod palang niya ang nakikita ko, tumataas na ang mga kilay ko" maarteng sabi ni Darlyn

"Ganyan nga siz, next time turuan ulit natin tong si astra sa pakikipag tarayan, wag ka papatalo siz" sabat naman ni andrew, peke ko silang tinawanan

You'll Never Walk AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon