Pag katapos namin mag usap ni lorenzo, nag pasya na kaming umuwi, ihahatid niya ko, bukas ko pa makukuha yung kotseng binili ko.
"Bumili ka na nang kotse?"tanong niya habang nag dridrive
"Oo, kanina,bukas ko makukuha" sambit ko, habang nag ttxt, nag txt kasi si Darlyn tinatanong kung uuwi pa daw ba ko, luka talaga.
"Dapat ay hindi na" sambit niya ulit
"Bakit naman?edi hindi na ko nakapasok" sambit ko sabay lingon sakanya
"Willing naman akong sunduin at ihatid ka" nakagiti niyang sambit habang nakatingin pa rin sa daan
"Wews, may trabaho ka din naman duh" sambit ko at binalik ulit sa cellphone ang tingin. Nag tytype na ko nang biglang tumawag si Darlyn, sinagot ko ito.
"Hello" bungad ko
"Oh ano?pinapak ka na ba nang lamok jan?ano naunang naubos sayo?" Natatawang sambit ni Darlyn
"Gago, naubos pasensya ko sayo" sambit ko, lumingon naman sakin si lorenzo
"Gago ka din, uuwi ka pa ba?o jan ka na titira?" Sambit ulit ni Darlyn
"Pauwi na" sambit ko
"Oh?Pano ka makakauwi?mag lalakad ka?commute?" Tanong niya
"Gumapang darlyn, gagapang ako letse ka!" Sambit ko
"Oh talaga?bakit sanay ka bang gumapang?ginapang ka na ba?"natatawa niyang sambit
"Letse ka, pauwi na nga ako, panget mo kausap" naiinis kong sambit
"Okay, wait kita, sabay us kumain, iniwan ako ni bakla" sambit niya
"Sige, malapit na ko" sambit ko at pinatay na ang tawag
"Si Darlyn?" Tanong ni lorenzo
"Oo" simple kong sagot, ilang sandali pa ay nakarating na kami nang condo.
"Astra" tawag niya sakin nang makababa kaming pareho nang kotse
"Oh? Gusto mo bang umakyat muna, sumabay ka na samin ni darlyn kumain, wala daw si andrew eh" sambit ko, tumango naman siya
Pinindot ko ang doorbell nang nasa tapat na kami nang room. Mukha ni Darlyn ang bumungad samin
"Oh?bat mag kasama kayo?" Gulat na tanong ni Darlyn, hindi ko na lamang siya pinansin at pumasok na kami ni lorenzo
"Ay snob!ganda ka!ganda ka ba astra" mataray na sambit ni Darlyn sakin habang sumusunod
"Ano ulam natin?"tanong ko, dumeretcho kaming kusina
"Menudo" simple niyang sagot at naupo sa dining ganun din ang ginawa ni lorenzo, habang ako ang nag hain nang pagkain, mariing palipat lipat ang tingin samin ni darlyn, nakangisi siyang nag papalipat lipat nang tingin.
"What's with the smirk on your face Darlyn?" Tanong ni lorenzo
"Nag tataka lang naman ako, kayo na ba ulit?" Nakangisi pa ring tanong ni Darlyn
"No,yes" sabay naming sagot ni lorenzo, nag katinginan kami, sinamaan ako nang tingin ni lorenzo
"What?"nakasimangot na sambit ni lorenzo
"Ay, ang gulo, hanggang ngayon magulo pa rin kayo" natatawang sambit ni darlyn
"What do you mean astra?I though...tayo na ulit?" Tanong ni lorenzo
"Ay, tayo na ba ulit?akala ko MU lang" sambit ko sabay iwas nang tingin
"MU ang putcha!ano yan highschool" natatawang sambit ni Darlyn
BINABASA MO ANG
You'll Never Walk Alone
RomanceNatutong umibig ng buo kahit masakit, May mga bagay na kailangan bitawan kahit masakit. May mga may bagay na dapat isakripisyo kahit hindi mo kaya. May mga bagay na makakamtam mo rin sa tamang panahon at pagkakataon. Mga luhang pilit mong tinatago...