Balik normal na ulit sa school , nag kaklase na ulit. Pero hindi pa rin ako bumabalik sa trabaho, may apat na araw pa kong leave. Kaya naman inaya ako ulit ni lorenzo na mag date, syempre alangan namang tanggihan ko edi pumayag ako.
Dating gawi, andito kami ni Darlyn sa ilalim nang puno, tambay muna kami, wala din naman homework or project.
"Gala tayo mamaya" aya niya sakin
"May lakad kami ni lorenzo" agap kong sagot sakanya, umirap siya agad
"Tsk" tugon niya
"Sama ka?" Biro ko
"Luh, eh kung sapakin kita jan" mataray niyang sabi, tinawanan ko na lang siya, ilang sandali pa, natanaw ko si mark, patungo samin, bat si mark lang?
"Mark" bati ko nang makalapit siya samin
"Uy" balik niyang bati
"Asan si lorenzo?" Nag tataka kong tanong
"Ayun nga, itatanong ko din sana sayo, wala siya sa department niya, hindi din naman nag rereply at sumasagot" simple niyang sabi.
"Ah ganun ba, may lakad pa naman kami" medyo nag aalala kong sabi
"Eh hindi naman yun makakalimutin, pero itxt or tawagan mo na rin, para sure" nakangiting sabi ni mark, tumango na lamang ako, sinubukan kong tawagan pero nakapatay ang cp niya
"Naku, katok sakin yang si lorenzo" asar na sabi ni Darlyn
"Hindi pa rin ba sumasagot?" Nag aalala na din na sabi ni mark, umiling lang ako.
1 ang usapan namin, malapit nang mag alauna
"Mauna na ko, doon ko na lang siya hihintayin sa sm" simple kong sabi at nag ligpit nang gamit
'Mag sisine kayo?" Tanong ni Darlyn
"Oo sana" tugon ko
"Sige, sabihan mo kami kapag mag kasama na kayo ah, tatry din naming kontakin si lorenzo" sambit ni mark
"Asan ba kasi yang si lorenzo, asan ba ang kaibigan mo?" Iritadong sabi ni Darlyn
"Alis na ko, bye" sambit ko
"Ingat ka" sambit ni darlyn
Saktong alauna nang makarating ako nang sm, tumambay muna ako sa tapat nang sinehan, hindi ako tumitigil sa kakadial nang number niya pero patay talaga
"Hoy, asan ka na"
"Andito na ko"
"Love"
"Potek magagalit na ko, letse kaa"Sunod sunod kong txt, tapos ididial muli. Panay din ang txt ni Darlyn at mark sakin, nag tatanong kung mag kasama na ba kami, ngunit hindi ko sila magawang replyan dahil panay naman ang dial ko sa number ni lorenzo, inabot na ko dito nang dilim, mag aalas otso na, potek, umaasa akong mag papakita si lorenzo o sasagot man lang sa mga txt or tawag ko.
Ilang sandali pa, nag ring ang cellphone, umaasang si lorenzo, ngunit nabigo ako nang pangalan ni Darlyn ang nakita ko, potek, maiiyak na ko dito, bwisiit na lorenzo yaaan
"Hello astra" bungad niya
"Hello" tamad kong sagot
"Asan ka?" Medyo nag aalala niyang tanong
"Takte, andito pa ko sa sm, letse" naiiyak kong sabi
"Luh, umuwi ka na" tugon niya
"Eh si lorenzo?" Nag aalala kong sabi
"Andito na siya sa bahay, hinatid ni mark, nag tanong tanong daw si mark sa mga klasmate niya, ayun nga, kasama nga daw niya mga klasmate niya at nag inuman" nag aalalang paliwanag ni Darlyn, natigil ako, potek
BINABASA MO ANG
You'll Never Walk Alone
RomanceNatutong umibig ng buo kahit masakit, May mga bagay na kailangan bitawan kahit masakit. May mga may bagay na dapat isakripisyo kahit hindi mo kaya. May mga bagay na makakamtam mo rin sa tamang panahon at pagkakataon. Mga luhang pilit mong tinatago...