Pagkatapos nang eksena na yun ay iniwan ko si lorenzo upang bumalik sa loob, nagpaalam akong mauuna nang umuwi , hindi naman nila ako pinigilan.
Pabagsak akong humiga sa kama ko, hindi ko maintindihan ang lahat nang nayayare, hindi ito dapat , mali, maling mali, dahil kasal siya sa kapatid ko. Ngunit bakit ganun siya umasta, anong ibig sabihin lahat nang sinabi at kinikilos niya. Hindi dapat ako bumigay sakanya sa gabing iyon. Hindi dapat ako naging marupok, hindi dapat, pero tang ina! Hindi ko din napigilan ang sarili ko. Unti unti akong nakaramdam nang pagod at antok.
Kinabukasan.
"Bat ka nag mamadaling umuwi kagabi?" Tanong ni Darlyn habang nag dridrive patungo sa school
"Ah, eh.. inaantok na ko" pag dadahilan ko, sumulyap siya saglit sakin at tumango
"Tuloy tayo sa sabado?" Tanong niya
" yup" simple kong sagot
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa school. Nag park na si Darlyn at bumaba na kami.
"Astra, Darlyn"salubong samin ni mark
"Uy mark" bati ko
"Bat andito ka?" Tanong ni Darlyn
"Luh, arkitekto ako nang building na papatayo nyo" nakangisi niyang sambit
"Oh, pake ko, tinatanong ko ba?"mataray namang sagot ni Darlyn
"Akala ko ba friends na kayo?eh halos araw araw kayong mag kausap nung nasa america kami ah, anyare?sa vc lang bati?" Pang aasar ko sakanila
"Hah, never naman kaming nag kabati niyan" masungit na sabi ni Darlyn
"Nililigawan ko na siya" nakangising sambit ni mark, lumingon ako kay Darlyn
"Luh, hindi ko ata alam yan mark! Ikaw lang ata ang may alam" umiirap na sambit ni Darlyn
"Ay potek, hina naman umiskor mark" natatawa kong sambit
"Ay wow, mukhang nakakadami na sa pag iskor si lorenzo ah" ngisi ni mark sakin
"Huh, hindi ko alam ang sinasabi mo" umiirap ko ding sambit.
"Uy martin" tawag ni mark habang nakatingin sa likod namin ni Darlyn.
"Mark" rinig kong sambit ni lorenzo nang makalapit siya kay mark.
"Ah, Darlyn, samahan mo ko mamaya" mahina kong sambit may Darlyn
"Ano binubulong mo astra?" Tanong ni mark, nakatingin lang si lorenzo samin
"Eh anong pake mo?" Masungit namang sambit ni Darlyn
" kilala mo si jose" sambit ko kay Darlyn
"Estudyante mo yun diba?bakit?" Nag tataka naman niyang tanong, nakikinig lang si mark at lorenzo
"Ah, nag aalala kasi ko, dalawang araw na siyang hindi pumapasok, mahuhuli siya sa klase" nag aalala kong sambit
"Ay wow, ang sarap mo naman maging guro, sana all inaalala" mapang asar na sabi ni mark, sabay sulyap kay lorenzo
"Duh, masarap talaga ko" ngisi ko naman kay mark, gumuhit ang gulat sakanyang mukha at tumingin kay lorenzo
"Totoo ba yun martin?" Gulat niyang tanong, kumunot noo naman kaming pareho ni lorenzo at nalilitong tumingin sakanya
"Totoo ang alin?" Nalilitong tanong ni lorenzo, ngumisi si mark
"Masarap daw si astra, totoo ba?" Nakangising tanong ni mark, gumuhit naman ang gulat saakin, nag tama ang tingin namin ni lorenzo, ngumisi siya at kinagat niya ang ibaba niyang labi, shet
BINABASA MO ANG
You'll Never Walk Alone
RomanceNatutong umibig ng buo kahit masakit, May mga bagay na kailangan bitawan kahit masakit. May mga may bagay na dapat isakripisyo kahit hindi mo kaya. May mga bagay na makakamtam mo rin sa tamang panahon at pagkakataon. Mga luhang pilit mong tinatago...