Mag kikita kami ulit ni lorenzo ngayon, na pag pasayahan namin na pupuntahan namin si sky ngayon.
Nauna ako sakanya sa parking lot, ako naman ngayon ang nakasandal sa kotse ko at hinihintay siya. Ilang sandali pa ay nakita ko na siya, hinintay ko na lamang siyang makalapit sakin.
"Hi" nakangiti niyang bati, sabay halik sa noo ko, umayos ako nang tayo.
"Tara na" aya ko
" balikan na lang natin ang kotse mo dito" sambit niya
"Sige" simple kong sagot, sumakay na kami at nag tungo na kay sky.
Nakaupo na kami dito sa may presinto, hinihintay si sky.
Gulat ang mga mukha ni sky nang makita kami ni lorenzo, nag mamadali siyang lumapit samin
"Lorenzo" usal niya
"Sky,maupo ka" sambit ni lorenzo sakanya, naupo naman siya sa tapat namin
"Kumusta ka dito sky?" Nakangiti kong tanong.
"Medyo okay naman na ate" nahihiya niyang sambit
"May dala kong mga pagkain" sambit ko sabay abot nang pagkain, kinuha naman niya ito at nilapag sa tabi niya
"Lorenzo, alam kong malaki ang kasalanan ko sayo, nag agaw buhay ka dahil sakin, patawarin mo ko" pag hingi nang tawad ni sky, nangilid ang kanyang mga luha.
"Matagal na kitang napatawad sky, naiintindihan kita, ang mahalaga buhay ako" natatawang sambit ni lorenzo
"Tatanggapin ko lahat nang parusang ibibigay nyo sakin" sambit niya, umiling si lorenzo
"Ayaw ko pa nga na andito ka, kaso tulog naman ako nung nag decide si papa" biro niya
"Sky, kakausapin ko ang papa at mama ni lorenzo para makalabas ka na dito" sambit mo sakanya at hinawakan ang kanyang kamay
"Huwag na ate, deserve ko to" sambit niya
"Kaming bahala sayo sky" sambit naman ni lorenzo
"Salamat, pero ayos lang ako dito, okay na sakin ang nakausap ko kayo at nakahingi nang sorry, alam kong hindi na maibabalik nang sorry ang nawala pero sana mapatawad nyo pa rin ako" sambit niya
"Tapos na yun sky, maayos na ang lahat, wag na natin balikan ang nakaraan" sambit ni lorenzo, ngumiti si sky
"Kelan ang kasal?" Nakangiti niyang tanong
"Mag uusap pa kami" simple kong sambit
"Masaya ako para sainyo, sorry kung minsan ko kayong hinadlangan, dami tuloy nasayang na panahon sainyo" sambit niya
"May pang habang buhay pa kaming mag kasama " nakangiti namang sambit ni sky
"Mukhang d ako makakadalo sa kasal mo ate, pero masaya ako para sainyo" sambit niya, ngumiti lang ako. Nanatili pa kami roon ni lorenzo, nakipag kwentuhan muna kami kay sky, medyo okay naman na nga sya kahit papano.
Pag katapos namin roon ay bumili na lamang kami nang pagkain upang sa condo na lang kumain.
Nag doorbell na ako nang nasa tapat na kami nang unit. Si andrew ang nag bukas
"Ay wow, foods" nakangiti niyang sambit, pumasok na kami , naupo si lorenzo sa sala. Habang kami ni andrew ay nag tungo sa kusina upang ihanda ang pag kain.
"Si Darlyn?" Tanong ko
"Ay, siz, malungkot ang bff mo" sambit ni andrew
"Eh, bakit?" Taka kong tanong
BINABASA MO ANG
You'll Never Walk Alone
RomanceNatutong umibig ng buo kahit masakit, May mga bagay na kailangan bitawan kahit masakit. May mga may bagay na dapat isakripisyo kahit hindi mo kaya. May mga bagay na makakamtam mo rin sa tamang panahon at pagkakataon. Mga luhang pilit mong tinatago...