Sinuot ko na ang uniporme ko dito sa pinag tratrabahuan kong cafe, pagtapos kong mang galing sa school ay dito ako dumederetcho kung wala namang importante kailangang gawin sa school, nag tratrabaho ako dito bilang cashier , isa ito sa mga trabahong pinag kukunan ko ng mga pangangailangan ko, nangungupahan kasi ako, malayo ang bahay namin sa school mas magastos kung uuwi pa ko.
Lumabas ba ko ng locker room at nag tungo sa counter. Nakita kong andun ang may ari ng cafe , at ang isa kong katrabaho, mababait sila at kasundo ko.
"Oy Astra" bati sakin ni Anne habang nag lalagay ng foundation
"Bat andito ka?" Sabi ko habang nag lalakad papunta sa counter, napalingon naman sya sakin.
"Ay!wow!makatanong!bawal ba ko?akin to diba? Sarkastik niyang sabi. Tinawanan lang kami ni Veron
"Maaga ka ata ngayon Astra" sabi ni veron habang nag lalapag ng order sa counter
"Wala naman ganong gagawin sa school" simpleng sabi ko habang nag pipindot sa machine. Nag patuloy lamang kami sa pag tratrabaho, hanggang sa sumapit na ang alas singko, oras na ng off ko. Nag paalam na ako sakanila at umalis na, dahil may isa pa akong trabaho na pupuntahan. Dahil medyo pagod na ko, nag tricycle na ko patungo dun.
Pumasok na ako agad ng makarating sa isang restobar , isa akong waitress dito, nag tungo akong muli sa locker room upang mag bihis ulit ng uniporme dito.
Pag labas ko, nakasalubong ko si fely na may hawak na papel at ballpen
"Astra" bati niya sakin, tumango ako at kinuha ang hawak niyang papel at ballpen
"Ako na dito" sabay pakita ko sakanya ng papel at ballpen, tumango naman agad siya.
Nag simula na kong kumuha ng mga order, nag tungo ako sa counter upang ibigay ang order ng mga customer.
Nang may nag taas ng kamay , senyales na nag tatawag ito ng waitress.Tamad naman akong lumapit at inihanda ang papel at ballpen ko ng hindi sila tinitignan.
"Ano pong order niyo?"simpleng sabi ko nang hindi sila tinitignan. Walang mag salita kaya naman napaangat ako ng tingin, tatlo silang lalaki at may mga kasama silang babae , tatlo din, iginala ko ang tingin sakanila, ngunit napatigil ako sa isang lalaki na mariing natingin sakin, tinaasan ko lamang sya ng kilay, tumawa naman ang isa nilang kasamang lalaki.
"Hmm, miss wala ba kayo menu" natatawang sabi niya, naputol ang tingin ko sa lalaki at lumipat sa kasamahan niya, oo nga pala wala pa kong binibigay.
"Ay sorry po sir" natataranta kong sabi sabay abot sakanya.
"It's okay" natatawa pa rin niyang sabi."oh ano sainyo?order na!"nakangiti niyang sabi sabay tingin sa mga kasamahan niya,
Napasulyap ako sa lalaking kanina pang nakatitig sakin.Dahil sa taranta ko, napayuko na lang ako. Sinabi din naman nila agad ang order nila, pag kalista ko, umalis na agad ako ng hindi lumilingon.Nang makarating sa counter at binigay ang order nila, napabuntong hininga na lang ako.
"Oh, ano ganap sayo?" Takang tanong ni kelvin , may ari ng resto bar , isa siyang gay. Umiling na lamang ako.
Nag patuloy na lamang ako sa pag tratrabaho, ngunit hindi pa rin maalis ang paminsan kong pag sulyap sa lamesa nila. At hindi ko maintindihan dahil nararamdaman ako ang pagsunod ng mga tingin niya sakin.
Nasisiguro kong, baguhan lamang sila dito, dahil ngayon ko lamang sila nakita. Pilit kong inalis sa aking isipan ang imahe niya, at pinagpatuloy ko na lamang ang trabaho ko.
Alas dose na ng hating gabi nang matapos ang oras ng trabaho, bago ako lumabas ng resto bar, nag pahinga na muna ako sa counter.
"Kapagod nuh" natatawang sabi ni veron habang nag bibigay ng order, konti na lang ang mga customer, at hanggang alas dos pa siya.
BINABASA MO ANG
You'll Never Walk Alone
RomanceNatutong umibig ng buo kahit masakit, May mga bagay na kailangan bitawan kahit masakit. May mga may bagay na dapat isakripisyo kahit hindi mo kaya. May mga bagay na makakamtam mo rin sa tamang panahon at pagkakataon. Mga luhang pilit mong tinatago...