7

52 6 3
                                    

Pinapasok ko siya dito sa apartment ko pag dating namin. Anak ng tipaklong naman kasi, ang dami niyang inorder, pang apat ba tao ba naman yung pagkain, eh dalawa lang naman kami. Dapat sa kotse na kami kakain, pero dahil may hiya pa naman ako, eh sabi ko dito na lang sa apartment ko , mahirap kumain sa kotse duh. Nung una ayaw niyang pumayag, eh kakain lang naman kako kami, siguro may iba siyang iniisip, waah, char lang, conservative kaya ko duh.

Maliit lang ang apartment ko, sapat lang para sakin. Pero kahit na maliit to malinis naman to palagi nuh! Hindi rin marami ang gamit ko, yung essential lang, ay wow big word, char.

"Maupo ka muna, dito na lang tayo sa sala may lamesa naman jan,kukuha lang akong plato at kutsara" simple kong sabi sakanya,tumango lang siya at nag tungo sa upuan, nilapag na din niya ang mga pagkain dun.

Nag punta na kong kusina para kumuha nga ng plato at kutsara. Pag ka tapos at pumunta na din ako sa sala, nakaupo na nga siya dun at nilalabas na sa plastic ang mga pagkain, naupo ako sa tapat niya. Napasulyap naman siya sakin, at muling binalik sa pagkain ang tingin, inusog niya sa harap ako burger steak at spaghetti, sabay sulyap sakin.

"Kumain ka na"simple niyang sabi,
Tumango na lang ako at nag simula nang kumain, nag simula na din siyang kumain.

"Nag paalam ka ba kay Gov" sabi ko sabay sulyap sakanya, nag angat naman siya ng tingin sakin

"Oo"simple niyang sabi, nang hindi ako tinitignan,nagkaroon ako ng pagkakataon para titigan siya, shet na malupiit!, ang pogi niyaaa, ang tangos ng ilong, ang habaaaaaaa.....ng milik mata niyaa duh, tapooooos yung lips sheymas, kissable lips pa ang putik, bet ko halikaaaaa, anak ng.... astraaa akala ko ba consevative kaa , umayos ka ngaa, ang halay ko mag isip putik!

Napaiwas agad ako ng tingin nang sumulyap siya sakin. Tinignan ko na lamang ang oras, ala una na pala ng madaling araw! Hala, pano siya nito bukas may pasok pa!

"Ala una na pala!" Gulat kong sabi, sabay tingin sakanya ulit "anong oras pasok mo?hala baka malate ka nang gising" nag aalala kong sabi, tumingin naman siya sakin

"Wala akong pasok bukas, ikaw ba?" Simple niyang sabi habang nakatingin pa rin sakin, kumalma naman ako, akala ko may pasok siya, kawawa naman siya kung mapupuyat siya.ay wow concern ka na ngayon astra!

"May pasok ako" Simple kong sabi, sabay tingin ulit sa pag kain ko.

"Anong oras?"simpleng tanong niya, napaangat naman ako ng tingin sakanya, nakatingin din siya sakin, shemays

"Ah... 7 pa naman" simple kong sabi

"Okay, mag isa ka lang dito" tanong niya, habang lumilinga linga

"May nakikita ka bang kasama ko"sarkastik ko sabi, napasulyap naman siya sakin at tinignan ako ng masama.

"Bakit mag isa ka lang?" Tanong niya ulit

"Bakit?kailangan ba groupings? Sarkastik ko ulit na sabi, seryoso na niya akong tinignan, natawa naman ako sa pag kaseryoso niya

"Okay ka lang naman dito?" Tanong niya ulit, na tila sinasagot ko siya ng maayos. Tumawa ulit ako

"Napaka dami mo namang tanong, interview ba to?bibigyan mo ba ko ng kasama ha!" Pang aasar ko habang natatawa pa rin, tinitigan niya ko

"I can stay here, if you want." Seryoso ngunit nakangisi niyang sabi habang nakatitig sakin, unti unti namang humina ang tawa ko hanggang sa nawala na.

"Hehehe, funny ka!" Umiirap kong sabi, hindi naman nawala ang ngisi sakanyang mga labi, at binalik na lamang sa pagkain ang tingin.

"Ubusin mo tong lahat" sabi niya,sabay lahad ng mga pagkain, sinimangutan ko naman siya

You'll Never Walk AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon