Pag tapos nang pang yayareng yun, lumabas na muna ako, at nag tungo sa hardin upang diligan ang halaman, siguro sa mga oras na to, tapos na silang kumain, si fin na siguro ang nag ligpit ng pinagkainan nila. Hindi pa rin ako makapaniwala na andito si darlyn at anak ni Gov yung nakita ko sa resto bar, nasa kailaliman ako ng pag iisip ng marinig ko ang boses ni Darlyn.
"Hoy, ayan ka na naman, ang lalim naman ng iniisip mo! Gano ba kalalim yang nahuhukay mo ha!" Pang aasar niya sakin, lumingon naman ako sakanya
"Napaka ingay mo" balik kong sabi sakanya, naupo siya sa isa sa mga upuan na andun sa garden
"Grabe, d mo naman sinabi na si titodad pala" simpleng sabi niya.
"Luh, nag tanong ka ba? Tska malay ko din naman nuh, hindi ko naman yun naisip" pag papaliwanag ko
"Ako rin naman" tumatawa niyang sabi"gala tayo, ako bahala sayo, ipag papaalam kita kay titodad" masigla niyang aya
"Ha!sira ulo ka!gala ka nang gala!" Iritado kong sabi
"Luh, bat ka galit?" Natatawa niyang sabi, "uuwi ka ba?" Tanong niya
"Aba syempre darlyn, alangan namang hindi ako umuwi, san naman ako pupunta kung ganun" natatawa kong sabi
"Alam mo ikaw, bwisit ka din kausap nuh" naasar niyang sabi
"Parang ikaw lang, pareho lang us" natatawa ko ding sabi
"Yeah, kaya nga tayo mag kaibigan, wah, ang ibig ko nga kasing sabihin, hindi ka dito matutulog?" Naasar niya ulit na tanong
"Luh, nasa talampakan na ba utak mo ngayon, syempre hindi, mukha ba kong dito nakatira ha!" Pang aasar ako
"Luh, eh ikaw nasan na ba utak mo ngayon, hina naman ng pang unawa mo"naasar niyang sabi " huwag ka nang umuwi, dito na matulog" mataray niyang utos
"Aba makautos, boss kita?ikaw ba nag papasweldo sakin ha!ikaw ba?"mataray ko ding sabi sabay irap.
"Napaka arte mo naman, bilis na kasi" naasar na sabi niya
"Ayoko nga, tska wala akong matutulugan jan nuh" pang tanggi ko
"Luh, napakadaming kwarto astra, marunong ka bang mag bilang ha, mag teteacher ka na niyan?" Iritado niyang sabi
"Oo, eh ikaw asan pasensya mo, mag teteacher ka na niyan, hindi naman ako guest, pang guest lang yun" pabalik kong sabi sakanya, inirapan niya lang ako.
"Oh , sa kwarto ko na lang, ano aarte pa?" Mataray niyang sabi, tinawanan ko naman siya
"Wag na nga, babalik naman ako bukas, grabe ka naman namimiss mo na agad ako, hindi pa nga ako umaalis eh" tumatawa kong biro,
Inirapan niya ako ulit " Kapal naman talaga ng mukha, tapang ng hiya" natatawa niya din sabi, "ahh, ang init naman" reklamo niya sabay paypay ng kamay niya
Ako naman ngayon ang umirap sakanya"ay wow senyorita, sino kasing nag sabi sayong lumabas ka" mataray kong sabi.
"Papasok na nga ako, makaligo, najejebs din ako, mag kita na lang tayo mamaya" pag papaaalam niya, at pumasok na, natawa na lang ako, dugyot din talaga tong si darlyn minsan eh, mayaman, pero parang hindi kung mag salita, napaka dugyot amp*ta, natatawa na lang at napapailing.
"Nakakatuwa ba masyado ang mag dilig ng halaman" isang baritonong boses na nag mumula sa gilid ko, naestatwa at nawala ang ngiti ko sa labi, natataranta ko siyang nilingon.
"Ay sir, pasensya na po" Pag hingi ko ng sorry sabay yuko.
"No need to say sorry,what's your name miss?"seryoso niyang sabi, sasagot na sana ako ng marinig ang tawag ni manang selya
BINABASA MO ANG
You'll Never Walk Alone
RomanceNatutong umibig ng buo kahit masakit, May mga bagay na kailangan bitawan kahit masakit. May mga may bagay na dapat isakripisyo kahit hindi mo kaya. May mga bagay na makakamtam mo rin sa tamang panahon at pagkakataon. Mga luhang pilit mong tinatago...