Tapos na kaming kumain nang tanghalian.
"Ako na mag huhugas nang plato" presinta ni Darlyn
"Mamaya siz, mag lalaro pa nga tayo naeexcite ako" sambit ni andrew
"Ay, hindi pwede, bawal daw mag tambak nang hugasin sabi nang nanay ko" sambit ulit ni Darlyn
"Ay keri mo ba?" Sambit ulit ni andrew
"Syempre sasamahan ako ni astra" baling niya sakin
"Luh, tinatamad ako" natatawa kong sambit, sinamaan niya ako nang tingin
"Ako na lang ang tutulong" presinta ni mark, gulat namang napatingin si Darlyn
"Ah, hindi na, nag bibiro lang si astra" sambit ni Darlyn sabay tingin sakin tila sinasabihan na tulungan ko siya, tumawa kami ni andrew
"Ay, palusot pa para lang makaiwas" natatawang sambit ni andrew
"Hayaan mo na mark, better luck next time" biro ni lorenzo
"Hayaan na gurls" sambit naman ni andrew
"Sige na, doon na lang kayo sa sala mag hintay,saglit lang to" sambit ko, tumango si lorenzo at hinatak na si mark
"Hahanap ako nang bote" sambit ni andrew
"Para san?" Tanong ni darlyn
"Ipupukpok ko sayo,arte mo eh" natatawang biro ni andrew at umalis na.
"Ako na mag sasabon, ikaw mag banlaw" sambit ko, pumayag naman siya
"Anong gagawin ko?"biglang tanong ni Darlyn
"Gaga, sabi ko ikaw banlaw, letse ka , presinta ka pa nga" sambit ko
"Gaga, hindi yun" sambit niya, nakuha ko naman agad ang ibig niyang sabihin
"Eh, ewan ko sayo, ano bang gusto mong mangyare?" Tanong habang nag sasabon nang plato
"Ewan ko din" sambit niya
"Eh bat ka umiiwas, ano namang ganap mo?" Tanong ko
"Eh, hindi ko alam pano ko siya kakausapin" sambit niya
"Ay wow, act normal siz" sambit ko
"Hindi ko na kaya ngayon eh" sambit niya muli.
Ilang sandali pa ay natapos na kami sa pag huhugas, pumunta na din kami sa sala, nakahanda na ang bote na gagamitin namin
"Ay , ang tagal mag hugas sinasamahan pa kasi nang tsimis" maarteng sambit ni andrew
"Pukpok ko sayo yang bote mo" masungit kong sambit
"Ay kay darlyn ko nga sana to ipupukpok eh" biro ni andrew, inirapan lang siya ni Darlyn. Naupo kami sa sahig
"Pano ba to?" Tanong ni Darlyn, nasa tabi namin siya ni andrew, sa kabilang side ni andrew si mark.
" ay gaga, truth or dare ganun" sambit ni andrew
"Dami namang kuda, g na" excited kong sambit
Si andrew ang nag spin ng bote. Tumapat ito kay lorenzo at Darlyn, ngumisi si Darlyn kay lorenzo, tamad namang tinignan ni lorenzo si Darlyn, nag truth si lorenzo
"Nag kiss na ba kayo ni astra?" Tanong ni Darlyn, luh, chismosa, sumulyap sakin si lorenzo bago sumagot
"Syempre naman Darlyn" sagot ni lorenzo
"Nays, galit mo couz!" Natatawang sambit ni Darlyn, inispin ni Darlyn ang bote, tumapat ito kay andrew at sakin. Dare naman ang pinili niya
"Kiss mo nga si Darlyn sa pisngi, excrush ka niyan diba" nakangisi kong sambit
BINABASA MO ANG
You'll Never Walk Alone
RomanceNatutong umibig ng buo kahit masakit, May mga bagay na kailangan bitawan kahit masakit. May mga may bagay na dapat isakripisyo kahit hindi mo kaya. May mga bagay na makakamtam mo rin sa tamang panahon at pagkakataon. Mga luhang pilit mong tinatago...