8

58 8 6
                                    

Sumapit nga ang pinakahinihintay ni Darlyn. Tadaaaa it's fridaaay! Pero andito pa kami sa school ni Darlyn, gumagawa kami dito sa library, oo andito kami sa library, need kasi namin ng libro, dito lang yun available sa library nang educ, tahimik kaming nag bubuklat nang libro ni Darlyn nang may umupo sa harap namin. Sabay kaming lumingon ni Darlyn, tadaaaa the one and only , ang dakilang kaaway ni Darlyn, presenting...... Mark the architect, nakangiti si mark samin, mag sasalita na to si Darlyn in 1...2...

"What are you doing here?" Mataray na sabi ni Darlyn, waahaha, pati tuloy ako natawa.

"Nothing" natatawang sabi ni Mark.

"Eh wala naman pala, bat andito ka, bawal ang ibang department dito" masungit niyang sabi sabay balik sa libro.

"I'm with lorenzo" simple niyang sabi sabay sulyap sakin, ako naman ngayon ang umirap,

"And so, where he is?" masungit pa ring sabi ni Darlyn,

"Bagal mag lakad eh, anjan na yun" sagot niya kay Darlyn.

Ilang sandali pa nga, dumating na si lorenzo. Parang mga kabute tong dalawang to, bigla bigla na lang sumusulpot sa harap namin.

"Ano bang ginagawa nyong dalawa dito?wala ba kayong mga klase?napapadalas naman ata ang pag punta nyo dito sa department namin" mataray na sabi ni Darlyn sabay sulyap sakanilang dalawa, napa angat na din ako ng tingin sakanila.

"May pinupuntahan nga kasi kami dito, tapos na ang klase namin" sagot ni mark

"Ah so, may pinopormahan nga kayo dito sa deparment namin?who?"mataray na sabi ni Darlyn, nahagip ng tingin ko si lorenzo, nakatigin siya sakin.

"Sigurado ka bang gusto mong malaman?" Nakangising sabi ni mark

"Wala darlyn, we came here because...." hindi matapos tapos na sabi ni lorenzo sabay sulyap kay Darlyn

"Because?" Nakataas na kilay na sabi ni Darlyn. Naiingayan na ko sakanila, may nag aaral oh!

"Tsss.wag kayong mag ingay, may nag aaral nang mabuti dito oh" pag saway ko sakanila nang hindi sila tinitignan, narining kong tumawa si mark.

Umalis din naman si mark at lorenzo, iniwan kaming muli ni Darlyn, gaya nang napag usapan namin ni Darlyn hindi na muna ako papasok nang bar, nag paalam naman na ako kay kelvin kaya okay lang. Pumasok ako sa cafee, ganun pa rin , madami pa ring customer.

Pag sapit nang off ko nag paalam na ko at umuwi saglit para mag palit man lang, nag ripped jeans lang ako at simpleng tshirt ngunit hapit naman sa aking katawan, tsaka ako nag converse na sapatos. Sinabihan ako ni Darlyn na susunduin niya ako, kaya hinihintay ko na lang siya.

Ilang sandali pa, narining kong may nag busina sa labas ng apartment ko, kaya lumabas na ko, ngunit hindi kotse ni Darlyn ang bumungad sakin kundi kotse ni Lorenzo, sumungaw si Darlyn sa bintana sa may passenger seat.

"Astraa, arat dito" aya niya sakin, sabay bukas ng pinto, gulat naman akong pumasok nang mapansin ko si mark sa front seat, luh bat kasama tong mga to!

Pumasok naman na ko, sinulyapan ko si Darlyn, mukhang okay naman siya, mukha naman hindi siya badtrip dahil kasama namin si mark, napasulyap din ako sa driver, nakatingin siya sa salamin na nasa taas ng kotse na kung saan makikita mo ang mga naka upo sa likod, nag iwas ako ng tingin.

"Hi astra"nakangiting bati ni Mark sinulyapan ko siya

"Hi, hindi ko alam nakasama ka" simple kong sabi

"Sinama lang" natatawa niyang sabi, tumango na lamang ako.

"Sang bar tayo Darlyn?" Baling ko kay Darlyn

You'll Never Walk AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon