Tatlong araw ng tapos ang kontrata namin ni Darlyn sa school na pinag applyan namin, nag iimpake na kami para umuwi nang pilipinas, bukas ang flight namin.
"Excited na ko" masayang sambit ni Darlyn
"Sana all" biro ko sakanya
"Hehe funny mo astra" umiirap niyang sabi
"May titirhan ba tayo sa pilipinas?ay ikaw pala meron, so sa kalye muna ko?"natatawa kong sabi
"Ay, may alam naman akong titirhan mo kung sakali" biro niya
"Hehe funny mo Darlyn" umiirap ko ding sabi, tinawanan lang niya ako
"Diba nga, mag cocondo tayo" maarte niyang sabi
"Pinayagan ka na ba nila tita?" Tanong ko
"Duh, ano naman akala mo sakin bata,syempre oo" maarte niyang sambit
"Eh wala pa tayong nahahanap" sambit ko
"Luh, meron na ngang nahanap sila mama, ipapaayos na lang muna" maarte niya na namang sambit
"Eh bat ang arte mo" mataray ko namang sabi
"Gusto ko lang" tumatawa niyang sabi
"Eh san muna tayo pansamantala?" Tanong ko
"Eh gusto ni titodad, dun tayo sakanya, namimiss na niya tayo" simple niyang sabi, napatigil ako sa pag iimpake at napatingin sakanya
"Darlyn" gulat kong tawag sakanya
"Duh, hindi naman umuuwi si lorenzo dun" sambit niya
"Sigurado ka?" Tanong kong muli
"Oo nga" sambit niya, tumango na lamang ako
"Eh asan na si andrew?" Tanong ko
"Ay ewan ko ba sa baklang yun, iwan natin kapag hindi yun dumating ngayon" masungit niyang sambit
"Gaga" natatawa kong sabi, sasabay si andrew samin sa pag uwi sa pilipinas, dun na din daw siya mag tuturo, naging kaibigan na din namin siya. Sasama din siya samin sa pag tira sa condo, bale tatlo kami, makikisiksik pa ang bakla.
Bakla si andrew pero disente pa rin naman, bihis lalaki pa rin naman siya, pogi din siya, at kung hindi mo siya kilala ay mapag kakamalan mong tunay na lalaki, madami ding babae nag kakagusto sakanya, katunayan ay ex crush ni darlyn, pero dahil nga natuklasan naming bakla siya eh inyawan na ni Darlyn.
Tumunog ang doorbell namin
"Buksan mo" utos ko kay Darlyn
"Ayun nga ang gagawin ko senyorita" mataray niyang sambit, umalis na siya upang buksan ang pinto
"Hey hey, mga siz" maingay na sambit ni andrew habang pumapasok nang kwarto ko, sumunod naman si Darlyn
"Andrew, ang pogi mo naman" mapang asar kong sabi
"Ay wews siz, maganda to hindi pogi" tumatawa niyang sabi
"Ay, mas maganda pa rin ako sayo" mataray namang sabi ni Darlyn
"Ay, parang hindi ako naging crush" mapang asar na sabi ni Andrew
"Kadiri ka" naasar na sabi ni Darlyn
"May dala akong foods mga ateng, lumamon na ba kayo?" Tanong niya at naupo sa kama ko
"Sakto, hindi pa nga, arat na" aya ko at lumabas na kami nang kwarto, nag tungo kami sa dining area ni andrew, habang sa laptop naman si Darlyn.
"Mark" rinig kong tawag ni Darlyn, ay wow friends na sila
"Jowa?" Tanong ni andrew at naupo sa harap ko
BINABASA MO ANG
You'll Never Walk Alone
RomanceNatutong umibig ng buo kahit masakit, May mga bagay na kailangan bitawan kahit masakit. May mga may bagay na dapat isakripisyo kahit hindi mo kaya. May mga bagay na makakamtam mo rin sa tamang panahon at pagkakataon. Mga luhang pilit mong tinatago...