29

15 3 1
                                    

Pag katapos naming mag usap ni lorenzo ay nag sabi ako na uuwi na, hinatid niya ako sa condo namin, nakasunod lamang siya sa kotse ko. Hindi na rin siya umakyat pa, umuwi na din siya.

Pasalpak akong naupo sa sofa at hinilig ang ulo.

"Ay andito ka na pala, ginabi tayo ah" sambit ni andrew,galing siyang kwarto niya, saktong labas din ni darlyn sa kwarto din niya

"Ano ganap?anyare?" Tanong ni darlyn at naupo sa tabi ko, ganun din ang ginawa ni andrew pinag gitnaan nila ako

"Hindi naging maayos" malungkot kong sambit

"Ay bakit?anong ginawa sayo nang maldita mong kapatid" mataray ba sambit ni Darlyn

"Ay siz, uubusin ko ang buhok niya sa katawan" sambit naman ni andrew

"Yak, bakit parang iba naisip ko" nandidiring tugon ni Darlyn

"Ay gaga, utak berde ka lang talaga" natatawang sambit ni andrew

"So ano ngang nangyare?" Tanong ulit ni darlyn

"Galit sila ni papa sakin syempre, at hiniling nila ulit na iwan ko si lorenzo, kapalit nang papayagan nila akong makita si mama" sambit ko

"Ay takte, gigil na ko wah! Don't tell me gagawin mo yan?" Nag aalalang tanong ni Darlyn

"Ay ateng, pag iniwan mo si lorenzo, sakin mo iwan ah, wag sa maldita mong kapatid" biro ni andrew

"Hehehe funny mo andrew" mataray na sambit ni darlyn

"Osige si mark na lang" ngisi ni andrew

"Simulan mo nang mag impake" umiirap na sambit ni Darlyn, tumawa lang si andrew

"Ano astra?"tanong ni andrew

"Ofcourse not, hindi ko iyon gagawin, hindi na ulit" sambit ko, pumalakpak si Darlyn

"Ayan, ganyan nga" nakangiti niyang sambit sabay hawak sa kamay ko at winagayway ito

"Aray ko naman" reklamo ko,

"Omygod!" Gulat na sabi ni andrew, may patakip takip nang bibig, napatigil naman kami ni Darlyn, at nag tatakang tinignan siya

"Luh, muntanga ka bakla" sambit ni Darlyn

"Astra!" gulat pa rin niyang sambit sakin

"Luh, parang tanga andrew" sambit ko din

"What's that?" Gulat niyang sabi  sabay nag turo , napalingo kami ni Darlyn sa likod namin , at sabay ding binalik ang tingin kay andrew

"Sira ulo ka na ba!" Inis na sambit ni Darlyn

"Are you engage?" Gulat niyang tanong sakin, napatigil din si darlyn at gulat akong nilingon, putcha ayun lang pala, napabuntong hininga ako, kinuha ni andrew ang kamay ko kung saan andun ang sisig, mariin niyang tinignan ang sisig na nakasuot sa daliri ko

"Hala, don't tell me, naengage ka sa iba?" Gulat na tanong mi Darlyn, putcha, kapanget mag isip ni Darlyn

"Boba mo darlyn! Wah, mygod, ang speed talaga ni engineer" nakangiting sambit ni andrew

"Luh,totoo ba?si lorenzo?potek bilis ah, ayaw ka nang pakawalan gurl" natatawang sambit ni Darlyn

"Ayaw nang maiwan, buti pa si engineer speed, eh yung architect kaya nang isa jan, mabagal, pero di bale maarte naman si maam" pag paparinig ni andrew kay darlyn

"Kingina mo ka" umiirap na usal ni Darlyn

"Kelan ang kasal? Bet ko mag maid of honor " biro ni andrew

You'll Never Walk AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon