5

83 11 12
                                    

Pag katapos ng mga gawain ko nang linggo, nag paalam na ako kay Gov, at kay Darlyn, sinabi kong magkita na lang kami ulit bukas. Dahil may sapat na oras pa ako, dito naman ako sa apartment ko nanglinis, pag sapit ng gabi ay nagpahinga na din ako.

Andito na ko sa room, as usual maaga naman ako palaging pumapasok , ilang saglit lang, dumating na din naman si Darlyn at ang mga kaklase namin, medyo late nga lang yung teacher namin. Hala hige, disscuss dito , disscuss doon, medyo inaantok ako sa mga subject namin ngayon, takte naman kasi teacher namin ngayon, tamad na tamad mag turo ang putik, kaya naman pag kadismiss niya, nag unahan nang masilabas ang mga klasmate ko, syempre ganun din kami ni Darlyn, alangan namang mag pahuli pa kami.

"Ha!grabe yun, tamad na tamad na ngang mag turo, nakuha pang mag bigay ng home work."reklamo ni Darlyn

"Halika gawin na natin, bago ako pumunta sa cafee" aya ko sakanya

"Ay sige, gusto ko yan"luminga linga siya"ay dun tayo sa may ilalim ng puno na yun, malilim" sabi niya sabay turo sa may puno.

"Osige" simple kong sabi , nag lakad na kami papunta, ngunit napatigil siya, kaya ang labas pati ako napatigil din, kaya nilingon ko sya.

"Problema mo?"nakakunot noo kong tanong, dahil itsura siyang nagulat.

"Ha!lorenzo"sigaw niya, sinundan ko ng tingin ang tinitignan niya, andun nga si lorenzo naka sandal sa puno kung saan malapit sa tinuro ni Darlyn na dapat naming pupuntahan.

Hinatak ako ni Darlyn papunta sa pinsan niya, napasulyap naman samin si lorenzo, nag salubong ang tingin namin, ngunit umiwas na lang ako.

"Anong ginagawa mo dito?ngayon ka lang ata nagawi dito sa department namin,woah! Don't tell me kinagat mo nga yung sinabing kong itry mo ang teacher, o yung katabing department namin, mga accountant? Natatawa at mapang asar na sabi ni Darlyn, lakas talaga ng sapak nito sa utak, sumulyap ako sa department ng mga accountant, mamaganda din naman sila, tyak may magugustuhan siya jan.

"Napaka ingay mo Darlyn, hinihintay ko lang ang kaibigan ko"iritado niyang sabi, nag kasalubong ulit ang tingin namin.

"Ay weh!may kaibigan kang accoutant?" Natatawang sabi ni Darlyn

"Wala, architect ang kaibigan ko Darlyn, may kinuha lang siya sa kapatid niyang accountant" pag papaliwanag niya sabay tingin sakin, umiwas ulit ako ng tingin.

"Ay weh" natatawang sabi ni Darlyn. "Dyan ka na nga, tara na nga, astra"aya niya

"Saan kayo pupunta?"simple niyang tanong, ramdam ko ang pag sulyap niya sakin, hindi ko naman na sinubukan pang tumingin pa sakanya.

"Bakit sasama ka?" Natatawang sabi ni Darlyn "joke, dyan lang oh, sa may puno, gagawa kami ng homework" simpleng sabi niya. Tumango naman si lorenzo. Sumulyap na ko sakanya

Aalis na sana kami nang magsalita sya ulit, nakatingin pa rin siya sakin

"Kumain ka na ba" tanong niya  kaya napalingon naman si Darlyn nang may pag tataka sa mukha "I mean kayo, kumain na..ba kayo?"pag uulit niya, sabay sulyap kay Darlyn.

"Ahhhhhh" natatawang sabi ni darlyn "ako, pag uwi na, etong si astra, ewan ko kung kakain to, oo nga pala astra, kumain ka wah, katok ka sakin" mataray na sabi ni Darlyn sabay tingin sakin. Liningon ko lang siya

"Bakit?"tanong ulit ni lorenzo, may sapak din ata to sa ulo eh, anong bakit duh.

"Ha?"naguguluhang sabi ni Darlyn.

"I mean, bakit hindi muna kayo kumain bago gumawa."simpleng paliwanag niya

Tumawa muna si Darlyn bago sumagot "wow ang concern naman" sira ulo talaga.

You'll Never Walk AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon