Napabalikwas akong muli mula sa pagkakatulog ko, nanaginip na naman ako, mga panaginip nang masasaya naming alala ni lorenzo. Bumangon na ko at gumayak na. Pagkatapos ay lumabas na.
" Yow!Yow" bati ni Darlyn sakin nang makapasok ako nang kusina.
"Kain naaaa" sambit naman ni andrew
Bumalik na kami sa pag tuturo ni Darlyn, kahit mahirap, kahit ayaw ko pa sana ay kailangan na, hindi naman pwedeng habang buhay na lang kaming malukungkot.
Isang taon na ang lumipas simula nang mawala sa piling ko si lorenzo, isang taon na ang lumipas simula nang magkahiwalay kami. Hindi ako nakatutulog nang maayos, hindi ako nakakain nang maayos, at walang gabi hindi ako umiiyak. Walang humpay ang pag buhos nang mga luha ko, wala araw na hindi ko siya naiisip at inaalala ang mga masasaya namin pag sasama.
Araw araw, gabi gabi ko siyang ipinag dadasal at namimiss, walang lumipas na araw o gabi na hindi ko siya naisip.
Kinasuhan ni Gov si sky, wala naman na din akong nagawa si papa at mama, hindi ko na din pinigilan pa si Gov. Ngunit hindi naman ganun kabigat ang isinampang kaso ni Gov. Humingi nang tawad si sky sa lahat nang taong naapektuhan, ganun din si papa. Pero hindi pa kami nag uusap simula nun.
"Gurl arat na" sambit ni Darlyn pag tapos namin kumain, tumango lang ako.
Nag patuloy muli ang araw namin, nag checheck na ako nang mga exams nang mga estudyante ko nang biglang may kumatok sa pintuan nang classroom, nag angat ako nang tingin.
"Hi Maam astra" nakangiting bungad ni mark, si mark na muna ang namamahala sa building, maayos naman ito.
"Hi architect" balik kong bati, naupo siya sa upuan na nasa harap ko
"Kumusta?" Sambit niya at nag lapag nang pagkain sa harap ko , ngumiti ako nang mapait
"Pinipilit maging maayos kahit mahirap" sambit ko
"Kain tayo" sambit naman niya, at inilabas sa plastic ang pagkain
"Ikaw ba kumusta?" Sambit ko at niligpit ang mga papel na nasa lamesa ko
"Gaya mo, kinakaya kahit mahirap, wala eh, hindi ko na nga alam ang gagawin ko sa mga naiwang trabaho ni engineer" kunwaring natatawa niyang sambit
"Namimiss ko na siya mark, bakit namam kasi kailangan pang mangyare to" sambit ko, at unti unting tumulo ang mga luha ko
"May dahilan kung bakit nangyayare to, may dahilan kung bakit kailangan niyang mawala satin" malungkot niyang tugon
"Kung hindi dahil sakin hindi to mangyayare,hindi mang yayare sakanyan yun, sana hindi na lang niya sinalo ang bala, sana ako na lang yung na tamaan talaga" umiiyak kong sambit
"Astra, wag mong sabihin yan, dahil kung si lorenzo ang kaharap ko ay yan din ang sasabihin niya, pero please, wag mong sisihin ang sarili mo, hindi yan gusto ni lorenzo, walang may gusto ng nangyare" agap niya
"Miss na miss ko na siya" humuhikbi kong sambit
"Namimiss ka na din panigurado, kaso..." hindi matapos tapos niyang sambit
"Hala, anong ginawa mo sa kaibigan ko" nag mamadaling lumapit sakin si Darlyn
"Darlyn" tawag ko sakanya, yinakap naman niya ako
"Bat mo pinaiyak to!" Inis na sambit niya kay mark
"Luh, is lorenzo sisihin mo, bat ako?" Tugon naman ni mark
"Sisihin ko pa yun, eh wala nga yung tao" balik na sambit ni Darlyn, pinunasan ko ang mga luha ko
"Tsssk, wag na nga kayong mag away, kumain na lang tayo" natatawa kong sambit, humatak naman nang upuan sa Darlyn at itinabi sakin
BINABASA MO ANG
You'll Never Walk Alone
RomanceNatutong umibig ng buo kahit masakit, May mga bagay na kailangan bitawan kahit masakit. May mga may bagay na dapat isakripisyo kahit hindi mo kaya. May mga bagay na makakamtam mo rin sa tamang panahon at pagkakataon. Mga luhang pilit mong tinatago...