25

24 4 1
                                    

Hindi ko sinagot si lorenzo matapos ang gabing iyon.

Ngayon ang lakad namin ni Darlyn, gumagayak na kami

"Ay aalis kayo?" Tanong ni andrew

"Obvious naman diba?mukha ba kaming matutulog?" Mataray na sambit ni Darlyn

"Ay maldita ka" sagot naman ni andrew

"Bibili ako kotse tska puntahan ko mga dati kong boss, baka isipin nakalimot na ko" sambit ko

"Ay, naku, ikaw pa, hindi ka makakalimot, nakalimutan mo ba si engineer, hindi diba?" Biro ni andrew

"Hehe, funny ka" sambit ko, nag paalam na kami kay andrew at umalis na kami ni Darlyn, una ay nag punta kami sa shop nang mga kotse, pumili naman na ko, simpleng kotse lang pinili ko, hindi naman masydong mahal, sapat lang para sa budget ko. Bukas ko pa ito pwedeng makuha. Sunod ay tinxt ko si anne at kelvin na mag kita kami, nakalimutan kong sabihin na, mag kaibigan sila. Dahil kay anne kaya ko nakilala ai kelvin

"Nang matanaw namin ni darlyn si anne at kelvin sa isang restaurant ay agad kaming pumasok

"Anne, kelvin" masigla kong tawag nang makalapit

"Ay bruha ka, tinakasan mo kami"bungad ni kelvin

"Ay wow mga gurls, blooming" bati naman ni anne, naupo kami ni Darlyn

"Order na us" sambit ni Darlyn, may lumapit na waitress at kinuha ang order namin

"Pasensya na hindi ako nakapag paalam nang maayos sainyo" sambit ko

"Naku girl,ang paalam lang eh, mag leleave, aba hindi na bumalik" natatawang sambit ni anne

"Pero, masaya kami kasi finally, ganap na kayong guro, we're happy to both of you" nakangiting sambit ni kelvin

"Thankyou" sambit namin ni Darlyn

"So kumusta ka naman?alam namin nangyare sayo siz" sambit ni anne

"Huh,pano nyo nalaman?" Nag tataka kong tanong, lumingon sila kay Darlyn

"Hindi naman madaldal ang kaibigan mo, nakwento lang naman niya nang buo kahit hindi kami nag tatanong" natatawang sambit ni kelvin

"Hehehe" pekeng tawa ni Darlyn

"Kelan kayo nag kita" tanong ko

"Noong unang uwi ko , nagkasalubong lang kami sa sm , nag kakwentuhan ganern" sambit niya

"Oo, natatandaan ko nga, bumibili ka nang scarf, tas sabi ko ang init dito sa pilipinas bumibili ka nang scarf" natatawang sambit ni anne

"Oo, tapos ang dahilan, gagamitin sa america, pero potek, sumilip ang chikinini sa leeg, ayun pala ang tinatago" natatawang sambit ni kelvin, nilingon ko si Darlyn

"Seryoso darlyn?chikinini?"sambit ko

"Luh, bat ako pinag uusapan nyo" iritadong sambit ni Darlyn, nag tawanan lang kami. Nag kwentuhan hanggang sa mag sawa. Nag paalam na din ang dalawa dahil busy nga daw sila sa business nila nag pasalamat naman ako sakanila.

"Darlyn, punta tayong bahay, gusto ko lang makita si mama" sambit ko habang nag dridrive siya

"Huh, eh pano kung andun ang bruha mong kapatid at ang tatay mo" sambit ni Darlyn

"Hindi tayo mag papakita" sambit ko, tumango siya at nag tungo na roon

Hindi sinakto ni Darlyn sa gate ang kotse niya, nakatanaw lamang kami ni darlyn, nakita ko si mama sa garden nag didilig nang halaman, nangilid ang mga luha ko, gustong gusto kong yakapin si mama, miss na miss ko na siya ang tagal nilang pinag kait sakin ang sarili kong ina. Lumabas si sky tila may tinanong kay mama.

You'll Never Walk AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon