PROLOGUE
When I was 8 years old...
“Anong problema sa anak namin doc? Nagrereklamo siya tuwing gabi na hindi siya makatulog. Minsan kapag papasok kami sa k’warto niya nang madaling araw gising pa rin siya. 2 to 3 hours lang ang tinutulog niya, may paraan ba ‘to?”
“Napakabata niya para magkaro’n ng gan’yan. He may referred to a sleep center for special testing to see what is the problem.”
“Pero doktor kayo maaaring sabihin niyo na kung anong problema?”
“Hindi po ako doctor sa mga sleeping disorder. Pero sigurado po akong meron siyang Insomnia.”
When I was 11 years old...
“Insomnia is a common sleep disorder that can make it hard to fall asleep, hard to stay asleep, or cause you to wake up too early and not be able to get back to sleep.”
“Ibig sabihin doc wala ng paraan para sa Insomnia niya? Hindi ba’t babagsak na ang katawan ng anak ko kung gano’n. Ilang linggo siya bago nakakatulog eh.”
“Insomnia can sap not only his energy level and mood but also his health, work performance and quality of his life. Try to take sleeping pills just for now.”
When I was 14 years old...
“He can take this vitamins para madagdagan ang dugo niya. Insomnia can cause Anemia and Leukemia. Malakas ang anak niyo but sad to say nababawasan na ang red blood cells niya.”
“Pero Doc, wala na ba talaga p’wedeng inumin ang anak ko maliban sa sleeping pills para makatulog siya?”
“Wala na Mrs. Zaverio, hindi hiyang ang katawan niya sa sleeping pills at sa iba pang gamot. Sleeping pills na lang ang kaya ng katawan niyang i-absorb kaya iyon na lang ang p’wede niyang inumin sa ngayon. Nagkakaroon ng problema ang nervous system niya kapag umiinom siya ng sleeping pills but atleast nakakatulog siya once a month. Once a month lang siya p’wede uminom always remember that.”
“Pero laging matamlay ang anak ko, bugnutin pa at walang gana kumain. Doc baka mamatay ang anak ko.”
“Okay, magrereseta pa ako ng vitamins na pampagana sa pagkain. Much better na kumain siya ng masusustansya dahil hindi siya nakakatulog. Buti na lamang at ginagamit niyo ang anti eyebags cream dahil kahit matamlay itong anak niyo eh napakag’wapo pa rin.”
“Wala ba kaming p’wedeng gawin na iba Doc? Maliban sa pagpapa-inom sa kan’ya ng sleeping pills?”
“Just do all what you wanted to do Mrs. Zaverio. Basta hindi magkakaro’n ng problema ang katawan niya. P’wede kayong humingi ng tulong o magtanong-tanong baka may alam sila na paraan kung paano siya papatulugin.”
“I think alcoholic drinks will do,” sabat ko.
“I don’t think so, masama 'yun sa kalusugan pero kung makakatulog ka ng dahil do’n why not hindi ba? Pero huwag sobra-sobra.”
“Then let’s buy wines and beers.”
When I was 15 years old...
“Bawal sa katawan niya ang alcholol, lalong-lalo na sa puso niya. Sorry Mrs. Zaverio pero sa tingin ko sleeping pills na lang ang paraan para makaranas siya ng tulog atleast once a month.”
When I met her...
“Just-just..”
“Just what mister?” tanong niya.
May kakaiba ako biglang naramdaman. Why so sudden?
Fuck bakit hindi ko masabi?!
“Just uhmm-”
“Puro ka 'just'! Ano ba kasi 'yun?!” Ayan na sumisigaw na. Lalo kong hindi nasasabi eh.
“Fine.”
“Fine ano?” tanong niya.
“Stay awake and make me sleep.”
YOU ARE READING
Stay Awake And Make Me Sleep
Teen FictionA story you wouldn't want to know the ending.