CHAPTER 26 : PARTY
“My only beautiful sister, Ayena Samantha Flores.”
Ilang sigundong tumahimik ang buong paligid at ako naman ay hindi makapaniwalang magkapatid sila ni Ayena.
Bakit ba hindi ko naisip na Flores din si Ian?
Nako naman, parang gusto ko ng umuwi ka-agad dahil dalawang Flores ang nandito.
Isang mang-aagaw ng chocolate at isang pala-away na maingay.
At ang pinaka-kinaiinisan ko ay gusto niya pa ako bilang boyfriend ng kapatid niya. Nakakadiri ah.
Ngumiti ako ng pilit.
“Y-Your sister, she's my classmate,” nasabi ko na lang.
“Well, that's great! Malaki ang chance na maging kayo.”
Gusto kong ngumiwi ngunit hindi ko magawa dahil hindi ako ang klase ng tao na pinapakita ang tunay na nararamdaman ko.
“I..don't think so,” sabi ko.
“I think so haha, napakabait ng kapatid kong 'yon. You know what? She's very sweet and clingy to us, her eighteenth birthday will happen in September. I hope you'll come, sure she'll be happy if you will come,” sabi niya.
Napangiti ako ng pilit at tinapik ang balikat niya, gusto ko ng lumabas dito at hindi makita ang mukha niya.
“Oh, that's nice. I'll come, your sister is really..beautiful,” labas sa ilong kong sabi.
“She really is.”
“I have to go, because..my..my girl is waiting for me,” sambit ko.
Napangiti naman siya tumango ng dahan-dahan.
“Your girl huh, okay see you.”
Nag-umpisa na akong maglakad papunta sa pinto.
.
Lumingon muna ako at kumaway.“Te veo pronto.” Huli kong sabi bago ako lumabas ng comfort room.
(T; See you soon.)
Huminga ako ng malalim pagkalabas ko ng comfort room dahil ang panget ng atmosphere sa loob.
Takte talaga, kung minamalas ka nga naman.
Bumuga ako ng ilang beses bago nagsimulang maglakad at hanapin si Aeris. Pumunta akong muli kung saan ko siya iniwan, sa isang table 'yun.
Mabilis ko siyang hinanap at sa wakas nakita ko rin siya. Nakaupo na siya at nakikipag-usap sa mga kaibigan niya.
Paglapit ko pa lang ay agad ko nang nakita ang nakasilip na hita niya.
“Hi kuya Veternum!” bati ni Thiara.
Ngumiti naman ako sa kaniya.
“Hi Veternum! Join us c'mon c'mon! Don't be shy darlin',” sabi ni Blaire habang ngiting-ngiti sa'kin.
Pilit naman akong ngumiti pabalik.
“Dito ka baby Veternum, nandito rin ang kapatid mo!” si Jaymi at tinatapik-tapik si Sang.
“C'mon kuya dito ka na maupo, h'wag kang aakyat sa taas dahil nando'n si Flores. Kanina ka pa hinahanap ng babae na 'yon,” sabi ni Sang.
Tss, mga Flores. Pisti.
“H'wag kang mahiya, Veternum.” Si Monica.
“Halika na mister,” sabi ni Aeris at sinesenyas na umupo na ako.
YOU ARE READING
Stay Awake And Make Me Sleep
Teen FictionA story you wouldn't want to know the ending.