CHAPTER 23 : SALAMAT
“Sige mauna na ako Veternum,” sabi ni Ian.
Tumango na lang ako sa kan'ya, pumila na siya sa counter at binayaran ang chocolate na inagaw niya sa'kin.
“Hey mister.”
Napalingon ako kay Aeris na may hawak na slurpee sa kamay.
“Halika na bayaran na natin 'tong slurpee ko,” sabi niya.
Sinilip ko ang counter at nagbabayad pa ro'n si Ian.
Umiling agad ako dahil baka agawin din ni Ian ang slurpee ni Aeris.
Nagkun'ware akong naghahanap ng chocolate kahit tobleron lang naman ang kukunin ko. Pasilip-silip ako sa mang-aagaw na Ian hanggang sa lumabas na siya.
“Tobleron na lang pala,” sabi ko at kumuha ng anim na tobleron.
Tumango sa'kin si Aeris at sabay kaming pumila sa counter. Binayaran ko ang lahat at mabilis kaming lumabas ng seven eleven.
Mabilis kaming sumakay sa sasakyan ko at mabilis na pinaandar. Binuksan ko ang Waze ko para makapunta sa malapit na Mall.
Mabilis lang kaming nakabyahe at agad na nakarating sa mall.
Mabilis kaming nakahanap ng key shop para maipaduplicate ang susi ng k'warto ni Aeris.
Binigay agad ni Aeris ang susi, pero ang sabi ng may ari ng shop ay bumalik na lang daw kami mamaya.
“So sa'n tayo pupunta niyan mister?” tanong niya.
“Restaurant,” sagot ko.
“Eh bakit sa restaurant? Hindi ka ba kumain kanina?” tanong niya.
Tinap ko ang ulo niya at ngumiti sa kan'ya.
“Ako kumain na, ikaw ang hindi.”
Wala siyang nagawa kun'di ang sumunod sa'kin papunta sa isang restaurant. Mabilis kaming nag-order at agad din naman sinerve 'yun sa amin.
“Ang sarap ng pagkain nila rito, sure ka bang chocolate cake lang at ice cream lang ang kakainin mo, masarap promise!”
Napangiti na lang ako sa sinabi niya at kumain ng cake.
Ganadong-ganado siyang kumain kaya hindi ko maiwasang pagmasdan siya habang kumakain.
Ang sarap siguro kapag chef ka at tulad ni Aeris ang kakain sa mga luto mo.
Appreciate niya palagi at mas gaganahan ka pang magluto habang pinapanood mo siyang kinakain ang linuto mo.
I want to be a chef and Aeris is my cooked food’s eater.
Hindi ko maiwasang mapangiti sa naisip ko.
“Ngi-ngiti-ngiti ka na lang ba d'yan? Final na ba 'yan? Hindi ka na o-order ng iba?” tanong niya.
Umiling lang ako kaya pinagpatuloy niya ang pagkain. Pinagpatuloy ko rin ang pagkain sa cake at ice cream ko.
Ayokong mag-order ng iba, kapag na-order ko na 'yun lang ang kakainin ko.
Matagal-tagal din kaming nasa resto dahil sarap na sarap siya sa pagkain.
“So saan na tayo sunod pupunta?” tanong niya.
Napaisip naman ako.
Kung sa timezone kaya? Nah, mamaya na 'yun busog pa siya.
Eh kung sa sine?
YOU ARE READING
Stay Awake And Make Me Sleep
Teen FictionA story you wouldn't want to know the ending.