CHAPTER 4 : ENROLL
Sabi nga nila kapag pagod ka magpahinga ka at ang pagpapahinga ay ginagawa sa pamamagitan ng pagtulog.
Pero sa paanong pamamagitan ko maipapahinga ang aking sarili kung ang pagtulog ang siyang hindi ko magawa?
Lagi na lang akong gising, dilat parati.
Isang beses lang sa isang buwan kung makaranas ng tulog at hindi pa mahimbing. Kapag nagigising ako ay sumasakit ang ulo ko dahil sa sleeping pills. Nanginginig ang buong sistema ko pagkatapos kong matulog. Kaya papaano ako mabubuhay ng normal?
Napapagod na ako sa ganito.
Nakakapagod nang palaging gising--
“Nagmo-moment na naman ang kuya ko o-oh!”
Hay nako umeepal nanaman ang kapatid ko. Trip ko pa namang mag-emot kaso hayst huwag na lang nasira na ang gana ko sa pag-iisip.
“Die now.”
“Galit agad? Maligo ka na kaya dahil nararamdaman kong may parating na naman para sa'yo,” natatawang sabi niya.
Kahit ako ay nararamdaman ko ng may dadalhin na naman si Mom.
Hanggang ngayon ay pula pa rin ang leeg ko, dahil sa unggoy na 'yun.
“I’m tired,” sabi ko.
Dahil pagod na ako talaga.
“Kung may maitutulong lang ako eh tinulungan na kita kaso wala eh, dukha ang iyong kapatid.”
Napangisi ako sa kapatid ko. Kahit abnoy 'yan mahal ko 'yan.
“No need, tatanggapin ko na lang na ganito talaga.”
Dahil wala naman na akong magagawa dahil ang parents namin ang may hawak ng kinabukasan namin.
“Nakakaawa ka naman kuya, p'wede ka ng magsulat sa MMK or sa Magpakailanman,” natatawang sabi niya. Napatawa naman ako.
“Hayop.”
“Huwag ka ng malungkot d'yan.”
Hindi naman ako malungkot abnoy talaga.
“Whatever.” Nasabi ko na lang.
“Basta maligo ka na at magbihis. Nakakahiya naman kung may kasama akong nakasando lang at boxer.”
Anong pinagsasabi nito eh nasa bahay lang naman kami?
“Ang weird mo,” sabi ko.
“Aalis tayo, trip ko ngayon tayo magpa-enroll,” sabi niya.
Enroll? Aalis? Kami?
“Hindi pa ba tayo na enroll? Hindi ba 'yun automatic?” tanong ko.
“Hindi automatic sa shool na pinapasukan ko kaya aalis tayo. Nagpaalam na 'ko kay Mom and Dad.”
So aalis nga kami? Hindi pa naman ako sanay ng umaalis. Wala akong gana.
“Ikaw na lang sabay mo na lang 'yung akin,” sambit ko.
“Pero bro, kailangan nating tayo ang magpa-enroll doon dahil pi-picturan din tayo para sa I.D. kaya makisama ka kuya.”
Wala na 'ata akong magagawa.
Napabuntong hininga ako.
“Geh, ligo muna ako.” At naligo na ako.
Pagkatapos kong maligo ay mabilis akong naghanap ng susuotin, ano kayang p'wedeng suotin na pang-alis? Hindi talaga ako marunong tsaka wala akong fashion.
YOU ARE READING
Stay Awake And Make Me Sleep
Teen FictionA story you wouldn't want to know the ending.