CHAPTER 17 : JUST
ONE WEEK LATER..
Isang linggo na ang nakakalipas simula nang makita kong umiyak si Aeris.
Isang linggo na rin siyang hindi pumapasok.
Nang dahil do'n, lagi akong linalapitan ng mga babae at lalo na si Ayena. Wala akong pinapansin na kahit na sino, hindi ko na rin nakakasama ang kapatid ko kapag nasa university kami.
Hindi na rin ako lumalabas ng classroom kapag lunch break. Hindi na ako naglalunch at palagi na lang nakikinig ng music at nagdo-drawing ng kung ano-ano.
Hindi ako sanay na walang Aeris sa tabi ko. Hindi ako sanay na iba ang umuupo sa upuan niya at iba ang tumatabi sa'kin.
Bakit bigla siyang 'di nagparamdam? Hindi man lang siya nagpaalam.
Isang linggo na siyang hindi pumapasok at nag-aalala na ako.
Ang sabi ko gagawa ako ng paraan pero wala naman akong nagagawa.
Naiimagine ko pa lang na hindi niya makakamit ang pangarap niya at maipakakasal siya sa taong hindi niya mahal ay hindi na kinakaya ng loob ko.
Hindi niya deserve mabuhay ng gano'n, hindi niya deserve 'yun.
Napabuntong hininga ako.
Nagdadrive ako ngayon pauwi sa bahay dahil gusto ko ng magpahinga agad.
Masakit ang ulo ko at pakiramdam ko ay nahihilo na ako.
Buti na lang ay agad akong nakarating sa bahay at agad na nakapasok. Hawak-hawak ko ang noo ko ng makapasok ako.
Linibot ko ang paningin sa buong bahay na dapat ay hindi ko na ginawa dahil lumabo na bigla ang paningin ko.
“Shit.”
Feeling ko ay babagsak na ako.
Napakapit ako sa pader at pinilit na palinawin ang mga mata ko ngunit walang nangyayari mas lalong lumalabo.
“Sir Veter ayos lang kayo?” Dinig kong boses na sigurado ako ay isa sa mga katulong namin.
Pinilit ko siyang lingunin ngunit napakalabo niya.
Humakbang ako ngunit hindi ko na mabalanse ang tayo ko.
“Sir Veter!”
Naramdaman ko na lang ang katawan ko na pabagsak na sumalampak sa sahig.
--
Minulat ko ang mga mata ko at unti-unting inaaninag ang buong paligid.
Nasa hospital ako.
Madalas ako noon sa hospital at ayaw na ayaw kong naco-confine.
“Veter! Buti naman at gising ka na!” Si Mom agad ang nakita kong lumapit sa'kin.
Mabilis niya akong yinakap at hinalikan sa noo. Ang sweet talaga ng Mom ko.
“Kanina ka pa hininhintay na magising dahil kailangan kang tanungin ng doctor. Veter, nagalala ako ng sobra.”
Ngumuso si Mom at hinaplos ang buhok ko.
Ngumiti naman ako kay Mom at hinaplos ang pisngi niya.
“Don't worry Mom.”
Maya-maya pa ay dumating na rin ang doctor. Marami siyang tinanong sa'kin at agad-agad ko ring sinasagot.
YOU ARE READING
Stay Awake And Make Me Sleep
Teen FictionA story you wouldn't want to know the ending.