CHAPTER 7 : SAMPAL
“Bring out one fourth sheet of paper,” sabi ni Sir. Abisona kaya lahat ay naglabas na ng one fourth.
“Veternum papel oh.” Sabay abot sa'kin ng papel, tiningnan ko ang babaeng nakaupo sa harapan ko habang hawak niya ang papel.
Kinuha ko na lang.
“Veternum para sa'yo,” sabi pa ng isang classmate kong babae at inabutan ako ng papel.
Tinanggap ko na lang kahit nawi-weirduhan na ako sa nangyayari.
“Veternum wala ka pang papel? Ito oh papel hehe,” sambit pa ng isang babae.
Inabutan niya ako ng papel kaya tinanggap ko na lang.
Meron naman akong one fourth kaya bakit nila ako binibigyan? Mga abnoy.
“Tatlo papel mo, pahingi naman ng isa.”
Napalingon ako sa katabi kong nakatingin sa mga papel ko. Si CR girl, este Aeris.
“This is not mine,” sabi ko at kinusot ang mga papel sabay tapos sa katabi kong bintana.
Hindi naman nakatingin si Sir kaya tinapon ko na lang do'n.
“Ay bobo, bakit mo tinapon?” tanong ng katabi ko.
“Meron ako,” sabi ko at binuksan ang bag ko, linabas ko ang isang pad ng one fourth at binigyan siya ng isa.
“Ang arte ayaw ng ibang papel,” sabi niya.
Hindi ako maarte noh. Sad'yang ayoko lang masayang 'yung pera nila Mom. Sayang naman 'yung mga one fourth ko kung hindi ko gagamitin 'di ba?
“It’s better to give than to receive.” Nasabi ko na lang at nakinig na kay Sir. Abisona.
Ayokong tumanggap ng mga bagay galing sa iba maliban sa binibigay ng mga magulang ko. Sabi ng mga magulang ko matuto akong makuntento sa kung anong mero'n ako. Sabi nila hindi sa lahat ng oras kailangan tanggapin mo ang mga binibigay sa'yo, mas maiging tanggapin mo na lang kung talagang kailangan mo. Mas mabuti ng magbigay kaysa sa tumanggap.
Oo, tinapon ko 'yung mga papel na binigay sa'kin pagtapos ko tanggapin. Pero ganu'n naman talaga ang buhay hindi ba? Kapag may gusto ka handa mong itapon ang iba at balewalain na lang.
Eh sa gusto kong gamitin ang sarili kong papel kaya tinapon ko na 'yung mga binigay.
“Ang boring talaga.” Dinig kong bulong ng katabi ko.
“Eh 'di magliwaliw ka,” sambit ko.
“Paano ako magliliwaliw ha? Eh bawal nga gumala rito at bawal din maingay,” inis na sabi niya.
“Maraming p'wedeng pagtuunan ng pansin kung nakakaramdam ka ng pagka-boring,” sabi ko.
“Pagtuunan ng pansin? Ano ang pagtutuunan ko ng pansin? Mabuti kung nandito ang mga kaibigan ko eh wala,” iritang sabi niya.
“Eh 'di mag-isip ka ng lang ng ibang bagay o makinig ka na lang sa teacher para hindi ka naboboring d'yan,” sabi ko.
“Alam mo kasi, hindi ako katulad mong kapag naboring maraming p'wedeng gawin. Tapos halos lahat ng mga babae p'wede mong kausapin, eh ako? Simple lang akong tamad at antukin,” sambit niya.
So antukin siya? Baliktad pala kami.
“Hindi 'yan sa gan'yan. P'wede ko nga silang kausapin pero ayaw ko naman silang kausapin. Maraming p'wedeng pagbalingan ng kaboringan.”
YOU ARE READING
Stay Awake And Make Me Sleep
Teen FictionA story you wouldn't want to know the ending.