CHAPTER 27

9 1 0
                                    

CHAPTER 27 : MY KUYA








Sama-sama kaming walo paakyat sa second floor.

Hanggang third floor lang dito dahil dito lang naman ginaganap siguro ang mga party.

Labag na labag talaga sa aking kalooban ang pag-akyat sa second floor dahil may malaking tyansa na makita ko ang mga Flores.

Hindi ko talaga gustong makita ang mga Flores, nakikita ko na madalas si Ian noon sa t'wing may mga handaan sa mansion.

Nakakalaro namin siya noon nila Sang dahil hindi malayo ang edad niya sa'min, kaso lang masyado siyang mayabang.

Lagi niyang gusto siya ang pinuno, katulad ng sa mga pirata gusto niya siya ang leader. Gusto niya laging siya ang nangunguna sa'min, at dahil bata pa kami ni Sang noon pumapayag lang kami.

Pero noong kinuha niya ang chocolate sa 7 eleven at hindi na lang pinaubaya sa akin ay napatunayan kong makasarili pa rin siya hanggang ngayon, masyadong mayabang.

Alam kong mababaw ako, pero mahal ko talaga ang chocolates.

Ramdam ko ang kapit ni Aeris sa braso ko kaya napapanatag ako at gumagaan ang pakiramdam ko. Pero naiinis pa rin ako kapag naiisip kong makikita kong magkasama ang dalawang Flores.

Sapat na 'yung isa lang sa kanila, h'wag 'yung dalawa pa.

Baka masira ang gabi ko sa kanilang dalawa.

Nang makalabas kami ng elevator ay binagalan ko ang lakad para mahuli kami ni Aeris.

Tuwang-tuwa naman ang mga kasama namin nang makita ang buong second floor, may malaking stage at napakaraming upuan para sa mga audience.

Marami na ang mga nakaupo habang nagsasalita naman ang M.C. sa stage.

Kulay blue at white ang buong paligid, maganda sa mata, para kang nasa langit.

Mabilis na nakahanap ng mga mauupuan ang mga kaibigan ni Aeris kaya sumunod kami sa kanila.

Sana lang ay walang mga Flores dito.

“Halina upo na,” sabi ni Jaymi at pinaupo kami sa magkakahelerang upuan.

Umupo na rin ako at nasa tabi ko naman si Aeris.

Kinuha ko agad ang long sleeves at tinakip sa hita niya. Baka mamaya may manghipo, mahirap na.

“So again, good day everyone! Para sa paguumpisa ng ating handaan ay mayroon tayong guest na kakanta! Gusto niyo na bang malaman kung sino siya?! Handa na ba kayo?!”

“OO!”

Ang ingay naman.

“Pagkatapos kumanta ng guest ay mayroon din tayong singer request! Ang ibig kong sabihin ay, dalawa sa mga audience ang kakanta pagkatapos ng guest! And guess what? Ang sunod na kakanta pagkatapos ng guest ang mamimili ng pangatlong kakanta! Dalawa lamang ang pakakantahin! Ang ibig kong sabihin, tatlo ang unang kakanta para ngayong gabi!”

Nagpalakpakan ang lahat, kaya pumalakpak na rin ako.

Ang daming naghihiyawan at napakaraming sumisigaw.

Hindi ba sila napapagod? Hindi ba sila namamaos kakasigaw? Nakakairita kaya.

Napatingin naman ako sa mga kasama ko, kap'wa rin sila humihiyaw pati na rin ang kapatid ko.

Si Aeris naman ay pumapalakpak lamang ngunit nakangiti rin.

Ako lang 'ata ang naiirita sa ngayon.

Stay Awake And Make Me SleepWhere stories live. Discover now