CHAPTER 2 : MASAHE
3 days later..
“AHAHAHAHHA hindi nga bro?!”
Nakakarindi naman 'tong kapatid kong abno. Pagkatapos kong magk'wento gan'yan magiging reaksyon.
“Natatawa talaga ako, buti na lang pala wala akong Insomnia kun'di baka maranasan ko rin 'yan.” Inirapan ko lang siya.
“Umiirap na-naman, eto naman si kuya o-oh! Malapit ka nang pumasok sa University kaya dapat makinig ka sa'kin parati. Excited pa naman ako pumasok, an'tagal ng bakasyon noh?”
Nakapadaldal.
“Whatever masangsang.”
“Masangsang amp! Ang sabihin mo sanggwapo,” sambit niya. Napakahangin, buti na lang hindi ako katulad niya.
“Ulol.”
“HAHAHA pero kuya natatawa pa rin ako. Akalain mo 'yon? May paritwal tapos boom! May pasunog.” Wala talagang preno ang bibig.
“Manahimik ka na nga,” inis na sabi ko. Napakadaldal kasi sobra.
“Tapos hindi ba sabi mo may patirik mata 'yon? HAHAHHAA an'lakas ng kuya ko hindi pa bumabayo pero nagpapatirik na ng babae.” Sinapak ko ang braso niya at ang abnoy tumawa pa lalo.
“Magtigil ka gago.”
“Ay sus, abangan na lang natin 'yung susunod na mangriritwal HAHAHHAA, 'de joke lang. 'Yung susunod na magpapatulog pala sa'yo,” sambit niya.
“Hindi nila ako mapapatulog,” sambit ko. Dahil wala pang nakakapagpatulog sa'kin sa mabuting paraan.
“Sinusubukan pa lang bro, pero akalain mo 'yun. 18 years old kana at halos sampung taon ka ng gan'yan pero buhay ka pa rin?” natatawang sabi niya. Gago talaga gusto na 'ata akong patayin nitong abnoy na 'to.
“Wala eh, sayang daw ang aking lahi,” natatawang sabi ko.
Bigla siyang tumahimik at tinitigan ako.
Anong trip nito?
“B-Bro, anong nakain mo?” tanong niya.
Sinapak ko agad, b'wiset talaga.
“Hayop ka.”
“BWAHAHAHA parang first time ko lang narinig na magsalita ka ng gano'n kahit mga uhmm.. ilan nga ba? Isa? Dalawa? Uhmm..tatlo? Apat na beses ko ng narinig?” Ang abnoy kung kapatid ay nagbibilang pa ng daliri. Hayop talaga.
“Sira na ulo mo.”
“HAHAHA ito naman, namiss lang kita kuya. Namiss ko na 'yung nakakunot mong noo. Tapos miss ko na rin 'yung mukha mong kalok-a-like ng angry birds. Tapos namiss ko na rin ang pamumula ng tenga mo. Tapos miss ko na rin yung mga ugat sa leeg mo na parang puputok na tamo-” Tinakpan ko ang bibig niyang walang preno.
“Shut up. Hindi kita miss.” Sabay baling ko sa pagkain na nasa harap ko.
“Grabe ka naman kuya, palagi ka na lang kain ng kain dito.”
“Atleast hindi patpatin ang katawan,” ani ko.
“Oo na, ikaw na may Insomniang maganda ang katawan. Puro ka kasi kain at work out dito!” sigaw niya. Tss sad'yang balanse lang ako.
“Umalis ka na nga, kumakain ako rito,” inis kong sabi at nagsimula ng sumubo ng pagkain.
“Lagi na lang gan'yan ang kinakain mo, try mo naman 'yung kinakain ko. Masasarap 'yun, malalambot, at makikinis tapos with giling and ungol-Oh! BWHAHAHA”
YOU ARE READING
Stay Awake And Make Me Sleep
Teen FictionA story you wouldn't want to know the ending.