CHAPTER 18 : MASAMA BA?
“'Yan ipasok mo na, teka kukunin ko pa 'yung mga make-up ko ta's alahas ko.”
Kinuha ko ang bagahe na binigay niya, pang-limang bagahe na niya ito.
Pinasok ko sa likod ng sasakyan ang bagahe at hinintay siya ulit. Buti na lang talaga at walang bantay ang mansion nila, wala na kasing pera ang ama niya at wala ng pangs'weldo. Tulog pa ang ama niya kaya nakakapagbalik-balik siya sa k'warto niya para kunin ang mga gamit niya.
Maya-maya pa ay lumabas na siya at may dala-dalang kahon. Inabot naman niya sa'kin 'yun, mabilis kong linagay sa trunk ng sasakyan ko ang kahon.
Huminto muna siya sa labas ng sasakyan. Marahil ay nagpapahangin.
Mabilis kong binuksan ang sasakyan ko at kinuha ang isang mineral water do'n. Lagi naman akong may tubig dito, trip ko lang noong hinatid ko siya na makihingi ng tubig.
Inabot ko sa kan'ya ang mineral water na agad naman niyang kinuha at binuksan. Napangisi ako habang umiinom siya.
Akala ko ay hindi siya papayag sa inalok ko sa kan'ya ngunit mabilis siyang pumayag kanina. Siguro nga ay nahihirapan na talaga siya sa pamamahay nila.
“Halika na, excited na akong makita ang bahay niyo. Mas malaki ba 'yun kaysa sa'min?”
Napalingon ako sa kan'ya at ngumisi.
“I can’t say,” sambit ko na lang at inalalayan siyang pumasok sa sasakyan ko.
Mabilis naman siyang nakapasok, kaya ako naman ang pumasok sa sasakyan.
Mabilis kong binuksan ang Waze at mabilis na pinaandar ang sasakyan.
“Hindi mo kabisado papunta sa inyo?” tanong niya sa'kin.
“Yea, kailangan tatlong beses muna akong dumaan bago ko matandaan.”
Narinig ko naman na tumawa siya, hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na lang sa pagdadrive.
Mabilis kaming nakarating sa labas ng mansion. Mabilis na binuksan ang gate.
“Ang laki ng gate niyo, kalahati lang 'yung gate namin d'yan eh.” Dinig ko ang mangha sa boses ni Aeris.
Napasulyap naman ako sa kan'ya, nakatingin siya sa gate namin na unti-unting bumukas.
Pinaandar ko ulit ang sasakyan papasok ng gate. Dire-diretso kong pinaandar ang sasakyan hanggang sa makapunta na sa mismong tapat ng bahay namin. Pinark ko sa tabi ang kotse ko.
Bumaba na agad ako at bubuksan sana ang passenger seat kaso bumukas na 'yun agad.
Nakita kong napanganga si Aeris nang makita ang pamamahay namin.
Taka ko siyang tiningnan, bakit ba namamangha siya eh 'di hamak naman na mas maganda ang mansion nila, modern kasi 'yun. Ang sa'min hindi.
“Ang laki ng mansion niyo! Kalahati lang ang sa'min. Ang ganda pa! Sobrang ganda, is this really true? Titira ako ng libre sa mansiong 'to?! Mansion ba 'to o paraiso? Langit na 'ata 'to jusko!” manghang sigaw niya at linibot ang mga mata sa buong paligid.
Hindi ko alam kung bakit siya namamangha, ako hindi naman ako namamangha sa mansion namin. Palagi naman kasi akong nandito at lagi lang umiikot-ikot sa buong paligid.
Napangisi ako ng makita kong manghang-mangha talaga siya kaya tinawag ko na ang mga katulong namin para dalhin sa isang guestroom ang lahat ng nasa trunk ng sasakyan ko.
YOU ARE READING
Stay Awake And Make Me Sleep
Teen FictionA story you wouldn't want to know the ending.