CHAPTER 21 : NAKAKAPAGOD
Pagkapasok ko pa lang k'warto ay dumiretso na ako agad sa banyo.
Binuksan ko ang shower at at kumuha ng shampoo.
Ilang minuto bago ako natapos sa banyo. Agad kong kinuha ang towel at pinunasan ang katawan ko. Pinaikot ko ang towel sa aking ibaba para matakpan ang ibabang bahagi ng katawan ko.
Mabilis akong lumabas at dumiretsong salamin para kunin ang deodorant ko kaso may napansin ako kaya napahinto ako saglit.
Si Aeris.
Nakahiga sa kama ko at nakapikit.
Napangisi naman ako at lumapit kaagad sa kama, umupo ako sa kama at pinagmasdan siya.
Paano niya ako mapapatulog n'yan kung inaantok na siya?
Napangisi akong muli at hinawi ang buhok niya, napakaamo.
Ngunit unti-unting minulat niya ang kan'yang mata at mabilis na tumayo.
Kinusot niya ang mga mata niya at tumingin sa'kin.
Nan'laki naman ang mga mata niya at napaatras.
“Ahhhh! Magbihis ka! Magbihis ka! Diyos ko bakit may nakahubad na Diyos dito!” sigaw niya at tinakpan ang mga mata niya.
Nagulat ako bigla. Tangna nakatowel nga lang pala ang pangibaba ko.
Dali-dali akong tumayo at pumasok sa sa isang pinto kung nasaan ang walk in closet ko.
“Fvck Veter, what's going on?” tanong ko sa'king sarili.
Napahawak ako sa aking dibdib dahil ang lakas ng tibok ng puso ko.
Anak ng langgam kabadong kabado ako. Pisti naman kasi nagulat din ako.
Bakit ba nalimutan kong towel lang ang saplot ko kanina?
Napakamot ako sa ulo at mabilis akong kumuha ng susuotin.
Short at sando na lang ang susuotin ko.
Mabilis akong nagbihis at dahan-dahang lumabas.
Takte tinatambol pa rin ang puso ko. 'Yung dibdib ko parang mabubutas.
Pagkalabas ko ay nakita ko agad si Aeris na nakaupo sa kama ko. Naramdaman niya 'ata ang presensya ko kaya mabilis siyang napatayo at tiningnan ako.
Napakamot naman ako ng ulo at lumapit sa kama at umupo ro'n.
“Ah-sorry.. about that I didn't know-ahmm..err just forget it,” hinto-hintong sabi ko nang hindi makatingin sa kan'ya.
“A-Ayos lang nagulat lang ako, bakit ka ba kasi nanggugulat. Hindi ka man lang nagbihis agad bago mo ako gisingin,” sambit niya.
Napahinga naman ako ng malalim at napahawak sa batok ko.
“I can't explain why, just forget about it.” Nasabi ko na lang.
“Basang-basa pa ang buhok mo, bawal matulog ng basa ang buhok dahil hindi maganda 'yun. May blower ka ba d'yan?” saad niya.
Tumingin na ako sa kan'ya at napalunok sabay iling.
Ngumuso naman siya.
“Kailangan magblower ka muna, teka sino bang nagbo-blower senyo rito?”
YOU ARE READING
Stay Awake And Make Me Sleep
Teen FictionA story you wouldn't want to know the ending.