CHAPTER 11 : K’WINTAS
“Halika na mister.”
Tumango ako at tumayo na.
Palabas na sana kami ng room ng biglang may humarang sa'min.
Si Ayena.
Kaklase namin si Ayena pero hindi ko siya napapansin. Napapansin ko lang siya sa t'wing nagsasalita siya sa harap at chini-cheer ng mga classmates naming babae.
Narinig ko ring tinawag siya na ‘Pretty Queen’ na mukhang hindi naman bagay sa kan'ya.
“Hi Veternum, ako nga pala si Ayena Samantha Flores.” Sabay abot niya ng kamay niya.
Tiningnan ko lang ang mga kamay niya at tumingin muli sa kaniya.
Bakit siya nagpapakilala eh kilala ko naman na siya? Anong akala niya sa'kin bingi? Eh magkaklase lang naman kami.
“I know you already,” sabi ko.
Dahan-dahan niyang binaba ang mga kamay niya at ngumiti ng malapad sa'kin.
“If you don’t mind p'wede mo ba akong samahan kumain?” tanong niya.
Liningon ko ang kasama ko na bagot na bagot na.
“I’m with her.” Sabay turo ko kay Aeris.
Napa-o naman ang bibig ni Ayena at ngumiti muli sa'kin.
“Okay lang ba kung ako na lang muna samahan mo at hindi siya?” tanong niya sa'kin.
Pilit akong ngumiti at kita ko naman na nan'laki ang mata niya at namula ang mga pisngi niya. Dinig ko rin ang tilian ng mga classmates namin at cheer nila.
“I’m so sorry but it’s a no,” sambit ko at akma ng hahakbang ng biglang hawakan ni Ayena ang braso ko.
“Why? Mas gusto mong makasama ang katulad niyang palaka?” tanong niya.
Agad namang nag-init ang ulo ko at binawi ang braso ko sa kaniya.
Nagulat naman siya sa ginawa ko.
“Hindi ko pa nalilimutan ang ginawa mo sa kaniya,” mariing sabi ko.
“But--”
Agad akong nagsalita kaya napahinto siya.
“At kung ipagkukumpara kayong dalawa para sa'kin ay ikaw ang mas mukhang palaka,” dagdag ko.
Nakita ko naman ang pagkapahiya sa reaksyon niya. Pilit pa rin siyang ngumiti at tiningnan ako.
“I-Is that so? Ayos lang, maybe next time makakasabay din kitang kumain and maybe next time wala ka ng kasabay na sipsip,” nakangiting sabi niya at sumulyap kay Aeris.
Umirap siya at mabilis na tumalikod palabas ng classroom.
Dinig ko naman ang bulong-bulongan sa buong classroom pero hindi ko na 'yun pinansin at nagsimula na akong maglakad palabas. Sumunod naman agad sa'kin si Aeris.
“Mister an'sakit nu'ng sinabi mo, sureball ako umiiyak na 'yun ngayon.” Dinig kong sabi niya.
Ngumisi ako at tiningnan siya.
“She deserves that, mali ba ang ginawa ko?” saad ko.
“Hmm, para sa'kin tama pero para sa iba mali.”
Napatango na lang ako sa sinabi niya at nagpatuloy na lang sa paglalakad.
Cafeteria..
YOU ARE READING
Stay Awake And Make Me Sleep
Teen FictionA story you wouldn't want to know the ending.