CHAPTER 20 : FIRST NIGHT
“Veter, ihatid mo na si Aeris sa magiging k'warto niya para makapagpahinga siya,” sabi ni Mom.
Tumango ako kay Mom at sinenyasan si Aeris na sumunod sa'kin.
“Ang ganda ng hagdan, bakit wala akong makitang pangit dito sa pamamahay niyo?" saad niya.
“I don't know,” sagot ko at pinagpatuloy ang paghakbang.
Hindi na siya umimik pa at sumunod na lang sa'kin paakyat.
Huminto kami sa harap ng k'warto ko kaya napahinto rin siya.
“This is my room, if you need me just knock. Alright?”
“Yes, mister.”
Napatango naman ako at naglakad na ulit, agad naman siyang sumunod sa'kin.
Nang makarating kami sa tapat ng k'warto ni Sang ay agad ko itong tinuro, “Dito ang k'warto ni Sang.”
Tumango siya sa'kin, kaya naglakad na akong muli. Binuksan ko ang pinakaunang guestroom at pumasok do'n, sumunod naman agad siya sa'kin.
“This is your room, nandito na rin ang mga gamit mo,” sambit ko sa kan'ya.
Nakangiti naman siya habang nakatingin sa buong paligid. Namamangha na naman siguro.
“Ang laki ng k'warto na 'to mister, mas malaki pa ang guestroom niyo kaysa sa k'warto ko sa mansion namin,” sambit niya at naglakad papunta sa kama.
Umupo siya ro'n at pinagmasdan ang buong paligid. Napangiti naman ako, para siyang bata.
“Enjoy staying here. Meron ng shampoo, conditioners, deodorant, toothpaste, toothbrush, soap, liquid soap, perfume, lotion, sanitary napkin, and many more. If you need something or you want something just tell it to me. Kung ayaw mo ng mga brands, sabihin mo lang sa'kin kung anong gusto mong brands ng mga gagamitin mo,” sambit ko.
Gano'n naman palagi rito, handa ang lahat ng gamit. Ayaw ko rin naman na magtanong siya ng magtanong at manghingi ng manghingi kaya hinanda ko na.
“Grabe, wala na akong hihingin pa. Sobra-sobra na 'yan mister, kontento na ako sa mga 'yan,” sambit niya.
“Kada month bibigyan ka ng mga kailangan mo, katulad ng mga 'yan. Wala namang problema kung humingi ka pa, it's better to give than to receive. Kaya kahit wala kang ibalik sa'min ayos lang, 'tsaka para sa'kin makatulog lang ako masaya na ako ro'n.”
Nanahimik naman siya at tinitigan ako.
'Yan na naman ang pakiramdam na parang nakalutang ako.
'Yan na naman ang pakiramdam na parang hinahaplos ang kaluluwa ko.
'Yan na naman ang pakiramdam na para bang wala akong problem.
'Yan na naman ang pakiramdam na para bang ang gaan-gaan lang ng lahat.
'Yan na naman ang pakiramdam na para bang pinapatulog ako.
How can you do this to me, Aeris?
Umiwas na lang ako ng tingin at tinuro ang banyo. Mas mabuti na sa ibang bagay ko muna ituon ang atensyon ko.
“D'yan ang banyo, you can do whatever you wanted to do here at your room. Designan mo kung gusto mo, mas magandang gusto mo kung nasaan ka para hindi ka maasiwa.”
YOU ARE READING
Stay Awake And Make Me Sleep
Teen FictionA story you wouldn't want to know the ending.